Chapter 1

906 15 5
                                    

Chapter 1

The Bodyguard

I groaned as I felt the rays of the sun illuminate my face. I used my hand to cover my eyes but it's still blinding, so I opted to switch to my other side. Hindi pa ako tuluyang naka-tagilid nang maramdaman ko ang sakit sa aking ulo.

My hand automatically went from my eyes to my forehead to grasp it and I groaned again, feeling the excruciating pain of my head like someone's pounding on it. I also felt a rough, papery texture in my mouth and throat, and a sickening pit in my stomach. I willed myself to sit, cursing a whole lot while at it.

What the hell happened last night? Bakit parang ang sama ng pakiramdam ko? I don't remember being sick or such. All I could remember was Harrison.. him breaking up with me and leaving me alone at The Rim.. Then I went to Havoc instead to get drunk..

A knock on my door distracted me from my thoughts "Miss Irene?"

Who was that? And that wasn't my door.. Where the fuck am I?

Unti-unting bumukas ang pinto at nakita kong sumilip si Manang Lucia. I heaved a sigh of relief. A familiar face, at least. And that's when I realized I was back home—my dad's home. Kaya naman pala mayroong bintana malapit sa aking kama. I hated that.

"Buti at gising ka na, hija," she said as she walked to the windows to close the curtains "Pasensya ka na, nakalimutan kong isara ito kanina pag-uwi mo. Aligagang-aligaga kasi ako sa pag-aasikaso sa'yo."

It took me some time before I could comprehend Manang Lucia's words, but I still didn't get it. What am I doing here, in my dad's house, and why am I here in the first place?

"Ano bang nangyari sa'yong bata ka at naisipan mong magpakalasing kagabi? Unang beses ito, Irene. Hindi ka naman umiinom ng sobra sa puntong hindi ka na makalakad. Alam kong ayaw na ayaw mo iyon," Manang Lucia looked at me knowingly.

I bit my lip as I remembered that. Shit, was I that drunk? Patuloy kong hinilot ang sentido ko at bumuntong hininga "It just happened, Manang. I lost count of my drink but this won't happen again. Matanong ko lang.. bakit ako nandito?"

The old lady frowned "Hindi mo maalala?"

Ang alin? Fuck, I regret wanting to get drunk last night. If I knew it would come to this, then I surely wouldn't have done it. I hate it when I lose control and look stupid. Pinaulanan ko ang sarili ko ng mura sa aking isipan at pilit na inalala ang nangyari kagabi.. but I still couldn't.

"Oh heto," Manang handed me a glass of water and a tablet of aspirin from my bedside table "Inumin mo muna nang mawala 'yang sakit ng ulo mo."

I didn't think twice and got the tablet from her and downed it fast with water. I wanted the throbbing pain of my head to stop at once. Naubos ko agad ang laman ng baso nang isang inuman lang, I was so thirsty and I wanted more. Naka-abang naman agad si Manang Lucia sa aking gilid at pinagsalin pa ako mula sa pitsel.

"Umuwi ka kaninang alas tres ng madaling araw, lasing na lasing at hindi ka na makalakad. Akala ko pa nga ay wala kang malay!" she exclaimed " Inaantabayanan ko kung ikaw ba e masusuka o hindi bago kita pinalitan ng damit, pawis na pawis ka kasi."

"Paano ako nakauwi, Manang? Did Isaac fetch me? Or did Sandy take me home?"

"Sinundo ka ng kakambal mo. Buong gabi ka niyang tinatawagan at hindi ka naman daw sumasagot kaya ayun, umalis para hanapin ka," ani Manang "Alalang-alala siya sa'yo, palagi ka namang sumasagot sa mga tawag niya. Akala niya ay kung ano na ang nangyari sa'yo."

I sighed. I didn't mean to ignore Ice the first time he called, I just knew he would nag my ear off so I didn't pick up, and I was on the right mind still. Noong katagalan ay hindi ko na napansin ang mga tawag niya dahil siguro sa kalasingan.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now