Chapter 8

7.6K 97 24
                                    

Chapter 8

Ara

 

Mabilis na pumasok sa aking kwarto sina Mommy at Daddy. Agad akong niyakap ni Mommy.

“Hindi totoo ang lahat ng nasa balita!”

“I believe you, anak. Hindi ‘yun totoo… who would do such a thing?” Pilit na pinapakalma ni Mommy and kanyang boses.

“This is unbelievable! Mga naiinggit lang ‘yan sa’yo Princess!” Dad said angrily.

“What should we do?” I asked desperately.

“Ipapahanap natin kung sino man ang reliable source na ‘yan. We’ll file a case! Hindi tayo papayag na basta-basta na lang ganun!” Galit na pahayag ni Daddy.

Biglang nag-ring ang aking cellphone. Si Coach Ramil ang tumatawag.

“Ara-”

“Coach they’re lying! Alam mo naman ang katotohanan di ba? Coach nandun ka kahapon! Narinig mo ‘yung sinabi ng doctor!”

“I know, I know. Tinawagan lang kita para sabihin sa’yong magpakatatag ka. Don’t worry, we’ll fight for your right. Ipaglalaban natin kung ano ang dapat.” Coach Ramil said with conviction.

“Salamat Coach.” Tinapos ko na ang tawag.

“Antonio, we should do something!” – Mommy

“You’re right. Hindi ako makakapayag na basta na lang api-apihin ang nag-iisang Prinsesa natin.” – Dad

“Thomas, do you have any idea kung sino ang pwedeng may pakana ng lahat ng ‘to?”

“I’m sorry Tita pero wala.”

“Ikaw Ara?”

“Hindi ko alam Mommy. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong naging kaaway.” Ang tanging tao na tinuring kong kalaban noon ay si Thomas.

“We’ll have this investigated!” Lumabas na si Dad sa aking kwarto.

“Don’t worry, everything will be alright in the end. You’ll still be MVP this season, I promise.” Hinalikan ako ni Mommy sa ulo at sumunod na rin siya kay Dad.

“Oh my gosh! Sa isang iglap lang, mawawala na lahat ng aking pinaghirapan.” My voice broke as tears threatened to fall from my eyes. Agad naman akong niyakap ni Thomas.

“Ssshhh… don’t lose hope. What matters is nasa panig tayo ng katotohanan. Dapat magpakatatag ka. Wag mong ipakita sa mga naninira sa’yo na apektado ka.”

“Bakit ba sa lahat ng pwedeng i-accuse sa’kin ‘yun pang nabuntis?! Ugh! Nakakainis talaga sila!” Napalitan ng galit ang nararamdaman ko ngayon.

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon