Chapter 12

5.8K 128 16
                                    

Chapter 12

 

Thomas

Pagkatapos kong matanggap ang phone call, agad kaming naghanda ni Ara para umuwi. I called the travelling agency para i-book kami ng ticket pauwi. Kahit sinabi kong urgent, nahirapan pa rin silang maka-book ng ticket kaya natagalan kami ni Ara ng tatlong araw sa Paris. But finally, may ticket na rin kami at makakauwi na rin sa wakas.

 As much as I don’t want my vacation with Ara to end, I have no choice but to come home. May emergency kasi si Mommy at kahit may hindi kami pagkakaunawaan at may hinala akong hindi siya ang aking tunay na mommy, mahal na mahal ko pa rin siya at talagang nag-aalala ako para sa kanya. Afterall, siya ang kinilala kong Mommy, she raised and loved me as her own at mahal na mahal ko rin siya.

“Already got all your bags?” Tanong ko kay Ara habang tinutulungan siya sa pagkuha ng kanyang mga bag mula sa conveyor belt.

“Yup. Tara?” Kahit halatang pagod at may jetlag, ngumiti pa rin sa’kin si Ara.

Tumango lang ako bilang sagot. Inakbayan ko si Ara at naglakad na kami palabas. Pagkalabas namin sa airport, agad kong namataan ang family driver nina Ara na si Mang Delfin.

“Kumusta ang bakasyon Sir Thomas, Maam Ara? Ang ganda ba ng Paris?” Bati ni Mang Delfin pagkakita niya sa’min.

“Naku Mang Delfin, sobrang ganda ng Paris! You should’ve seen it for your eyes!” Masiglang tugon sa kanya ni Ara.

“Basta ba isasama niyo ako ni Sir Thomas sa susunod. Pero dapat all-expenses paid rin yun ha?” Natawa na lang kami ni Ara dahil sa sinabi ni Mang Delfin. Kinuha na niya ang mga bagahe namin at nilagay sa likurang bahagi ng kotse. Habang ginagawa niya ito, nauna na kaming pumasok ni Ara sa kotse.

“Okay ka lang ba?” The look of concern is very evident on her face.

“Yeah. Do I look like I’m not?”

“Actually, you look like hell.”

“Gwapo pa rin naman di ba?”

“Seriously Thomas, segurado ka bang makakaya mo silang harapin ngayon?”

“Wala akong choice, Ara. I still have to face them sooner or later.” Naputol ang pag-uusap naming nang pumasok na si Mang Delfin sa kotse.

“Saan ko ba kayo ihahatid?” Tanong niya sa’min.

“Ihatid niyo na muna si Ara sa bahay nila tapos tutuloy na po ako sa ospital.” Utos ko kay Mang Delfin pero agad na nag-react si Ara.

“Ano? Hindi ako papayag na mag-isa ka lang pupunta sa ospital. Sasama ako.” Matigas na sabi ni Ara.

“Ara, may jetlag ka pa. Alam kong pagod ka at gusto mong magpahinga.”

“Ikaw rin naman ah?” Binigyan ako ng puppy-dog eyes ni Ara.

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon