Chapter 1

27.1K 195 16
                                    

Chapter 1

9 months ang nakalipas pagkatapos ng proposal ni Thomas kay Ara:

Ara

Alam mo ba 'yung feeling na galit na galit at sobrang inis na inis ka sa isang tao? Yung tipong gigil na gigil ka na talaga at unang kita mo pa lang sa kanya ay agad na nasisira ang araw mo? Yung dahil sa sobrang galit at asar mo sa kanya, kulang na lang ay ipakulam mo siya?

Ako, sobrang alam na alam ko ang tungkol dyan. Halos dalawang taon ko nga 'yang nararamdaman para sa isang tao. Siguro pwede na akong tawaging expert.

Pero ano ang gagawin mo kung ang taong kinaiinisan at tinuturing mong iyong pinaka-mortal na kaaway at ang taong makakasama mo habang buhay ay iisa lang pala?

Syempre nagwala ako. Ginawa ko talaga lahat maliban sa magbigti para hindi matuloy.

Pero may iba palang plano si God para sa'kin...

Because somewhere along the way, unti-unti kong nakilala ang kaaway ko na 'yun and before I knew it, I fell in love with him. (Chos, iba talaga kapag in love, napapa-English ka na)

Pero syempre hindi naging madali ang lahat para sa'min. Halos umabot nga ng isang taon bago kami nagkaaminan ng totoo naming nararamdaman para sa isa't isa. Umabot pa nga ako sa stage na naging sobrang iyakin na ako nang dahil sa kanya. But of course, we surpassed all those. All it took was courage to admit your feelings, acceptance of your own mistakes and shortcomings, and of course, our strong love for each other.

Dahil sa kabila nang lahat ng pinagdaanan namin...

"Hi Wifey!" Nakangiting bati sa'kin ni Chinitong Demigod.

"Hmmmpp!" Pagsusungit ko sa kanya sabay talikod.

"Uyyyy... naglilihi ba ang asawa ko ngayon?" Nagpapa-cute na tanong niya sa'kin.

"Tumahimik ka nga! Wala ako sa mood para makipagkulitan at makipagtalo sa'yo!" Bulyaw ko sa kanya.

"Ikaw talaga, masyadong excited. Hindi pa nga natin nasusubukan kung paano gumawa ng baby pero nagpa-practice ka na kung paano maging buntis." Natatawang pahayag ni Thomas kaya kinurot ko siya nang pinong-pino na naging dahilan para mapasigaw siya sa sakit.

"Aray! Aray! Bakit mo ba ako sinasaktan? Totoo naman ang sinasabi ko ah?" Parang bata niyang sabi.

"Dahil ni isa, wala namang totoo dun sa mga sinabi mo! Wag ka ngang assuming!"

"Pero totoo naman 'yung sinabi ko na asawa kita ah..."

"Correction: magiging asawa. Wag ka nga!"

"Hindi, fiancée." Pagtatama niya sa aking sinabi.

"Girlfriend."

"Girlfriend ng pinakagwapong chinitong demigod." - Thomas

"Pinaka-pangit." - Me

"Pero mahal mo naman." - Thomas

Ugh! Nakakaasar talaga si Thomas! Nakaka-highblood! Oo na, mag boyfriend-girlfriend na nga kami ngayon pero hindi pa rin nagbabago ang mga dati naming ginagawa sa isa't isa nung magkaaway pa kami gaya ng panunukso, pang-iinsulto, etc. Alam kong kapag magkasama kayo ng boyfriend dapat sweet kayo sa isa't isa, etc. pero sa kaso namin ni Thomas, nauuwi lang ito sa asaran at awayan. Pero hindi naman 'yung sobrang seryoso na away, mga petty lang naman. Siguro ganito namin ini-express ang feelings namin para sa isa't isa.

"Oh ano? Wala siyang maisagot! I win!" Natatawang pahayag ni Thomas sabay abot ng aking kamay para hawakan ito.

"Hoy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon