Chapter 52

4.6K 75 1
                                    

[dedicated for you ^_^]

*********************

“Ma-Mariez” naiiyak na tawag sa akin ni ate Ranny

 

Pinilit kung ngumiti. Ayokong paniwalaan kung ano ang mga nasa isip ko

“Ba-bakit ate? A-ano bang nangyayari?” umiling iling lang sya

“I’m sorry” sorry? Para saan?

“bakit ano bang p-problema?” kinakabahan na ako

Tumingin ako sa paligid, nakita ko ang mga mapanghusgang tingin ng iba sa akin. Ang iba nakikisimpatya, ang iba parang natutuwa sa nangyayari at ang iba? Wala lang. wala silang pakialam.

Lumapit na rin si papa sa akin at nakikita kong naluluha na rin sya

“sabihin niyo naman sakin oh! Please.. p-papa a-anong nangyayari? B-bakit ka po umiiyak?”

 

“o’m so-sorry anak”

 

“pa bakit?”

 

“kawawa tinakbuhan haha”

 

“pinagsawaan tsk malandi!”

 

“yeah right. Still the cold-hearted Blake magaling talagang magpaiyak”

 

“pinaasa. Bagay lang!”

 

Uminit ang ulo ko sa mga naririnig ko. may gana pa rin silang magchismisan sa mga nangyayari. Inimbitahan sila dito para maging saksi hindi para maging chismosa.

Sa galit ko nilapitan ko na ang mga nagbubulungan

 

“you still have the guts para magsalita niyan?” untag ko sa kanila. Mukha naman silang nagulat sa presensya ko.

“ganyan ba talaga kayo? Ang maging masaya sa kamiserablehan ng iba? Ano masaya na kayo? Ito naman ang gusto ninyo hindi ba? Kaya kayo pumunta dito para makita ang kapalpakang mangyayari. Then you win! Nakita niyo na. may pwede na kayong ichismis sa iba. Ganyan naman kayo eh wala kayong nararamdamang konsensya.. h-hindi ninyo kasi nararanasan ang ganito.. ang.. ang lalakas ng loob ninyong magsalita.. sige i-ipamalita niyo na.. sige na” napaluhod na ako masakit. Bakit?

Lumapit naman si ate Ranny at inalalayan akong tumayo

“I’m so sorry Mariez, hindi ko siya napigilan. Ang.. ang sabi niya hindi niya daw kayang magpanggap m-mahirap daw. Bigla syang tumakbo. I’m sorry” niyakap ako ni ate

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon