Chapter 42

5.5K 89 0
                                    

 dedicated to para sayo...

***

Ilang minuto  rin akong nakatingin sa labas ng bahay. Iniisip ko magagawa rin ni pillow ang makalimot, lahat naman ng tao nakakalimot basta gugustuhin mo. At alam ko, nakikita ko sa mata ng bestfriend ko gusto niyang makalimot. Sana lang hindi pa huli ang lahat.

“anong pinag-usapan niyo?” napasinghap ako dahil may yumakap sa bewang ko galing sa likod. At sino pa nga ba? edi si Blake ko! Nakalimutan ko kasama ko nga pala sya.

Humarap naman ako sa asawa ko. At ipinulupot ang mga kamay ko sa may leeg niya

“bakit selos ka?”

 

“tsss.. ako? selos dun? imposible!”

 

“asus ang gwapo kong asawa nagdedeny”

 

“Naman, gwapo talaga! So ano ngang pinag-usapan niyo? Alam ko yung ibang details, yung tungkol na lang sa I love you na sinabi niya”

 

“hahaha” napahagalpak naman ako sa tawa. Obvious na selos to eh

“tss, honey naman eh, sabihin mo na”

 

“ayoko”

 

“Mariez, isa” pagbibilang niya

 

“apat?”

 

“Hon seryoso ako”

 

“ako din”

 

“Mariez”

 

“Honey naman, yung I love you normal na yun. Sabi niya lang sisikapin niyang mag move on. At kung sasabihan man daw niya ako ng I Love you ulit sisiguraduhin niyang bilang isang kaibigan na lang iyon. Ano  masaya ka na?”

Halata naman sa mukha ni Blake na tuwang tuwa sya. Naku may pagkachildish din pala to, halata naman kasi sa kilos at gawi niya tuwing mag kasama kami dati. May mga kantang hindi ko maintindihan.

May nakalimutan akong sabihin, alam niyo ba kung bakit daw sya kumakanta ng mga kakaiba?

Ito lang naman ang mga sinabi niya noong matutulog na kami.

 

“hon, hindi mo ba pansin? Naka ilang beses na ba akong kumanta sayo na kakaiba?”

“ha?”

 

“Hon, ung dati tanda mo yun. Yung Honey my loooveee. Sooo. Sweeeet”

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon