Chapter 19 ???

8.2K 128 1
                                    

Mariez

Iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung sinabi ni ate Runny. Hay sana nga matulungan niya ako kay Blake. Gusto ko maging maayos na kami ayoko na palagi na lang ganito. Akala ko ba susubukan niya, ngunit bakit ganito? parang gusto na naman niya akong ilayo sa kanya. O talagang gusto niya talaga?

Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko. Aish pahid pahid, ayoko umiyak lalo lang akong nadadown eh. Sa t’wing iniisip kong lumalayo si Blake lalong lumalaki ang tsansang hindi niya talaga ako matutunang mahalin. Siguro pagod na syang makinig  sa kakasabi ko ng I love you. Gusto ko lang namang malaman niya kung gano ko sya kamahal eh, hindi naman ako nagmamadali dun sa magiging response nya sakin.

This time kapag nagwork yung plan ni Ate Runny, ipaglalaban ko si Blake kahit na ba may ka fling syang iba, asawa ko naman sya eh and I have the right. He has reasons siguro kaya ganun sya umasta and kailangan ko lang gawin ngayon is to follow what ate Runny’s plan. I hope it will work!

Kinabukasan maaga akong pumasok. Sinalubong agad ako ni Kristine sa may hallway pa lang

“Mariez, sabay na tayo”

 


“ah sige, ay wait daan lang muna ako saglit sa restroom”


 

“samahan na kita”

Pagkarating naming sa restroom, pagmumukha agad ng mga naniniring ang sumalubong samin

Pagpasok ko sa cubicle nagchismisan agad

“oh well, she’s here the bitch”

 


“tama, bumalik na naman sa pagiging slut niya”

 


“kahit kelan talaga hindi makontento”

 


“nagkaroon lang ng fiancée na gwapo naging malakas na agad ang confidence”

“ahahaha oo nga, ngayon naman pati bestfriend pinapatos”

Paglabas ko ng cubicle sinenyasan ko si Kris na lumabas na kami, agad naman syang sumunod. Malas lang dahil sumunod din pala ang mga chismosa

“kaya, hindi na questionable kung mag-sawa sa kanya si Blake, masyado lang kasing papansin kaya napapansin pero ang totoo naman talaga sikretong malandi aahahaha” sabay sabay naman silang nagtawanan

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon