Chapter 26: I hate seeing you with him

7.9K 124 0
                                    


“Good morning how are you feeling?” nauna akong nagising kay Mariez ngunit tinitigan ko muna sya habang natutulog.

“masarap na ang tulog ko” ang sarap sa pakiramdam na magkatabi kaming natulog. Feeling ko kami ang mag-asawa.

“I’m sorry tumabi ako sayo sa pagtulog ayaw kitang iwan eh”

 

“okay lang pillow, may tiwala ako sa’yo tska para saan pa at magbestfriend tayo di ba? tsaka thank you sa pagbantay ha batman talaga kita”

I smiled at her and kissed her forehead “bangon na may pasok pa tayo eh”

 

“yeah” ako na ang nagprepare ng breakfast namin. Pinauna ko na syang mag-ayos para maaga kaming makaalis dahil dadaan pa kami sa bahay at kukuha lang ako ng uniform ko.

Pagkarating namin sa school tsismisan agad ang bumungad samin. Kesyo bakit daw kami magkasama ni Mariez papasok at hindi si Blake na kesyo kahit kailan daw ay bitch si Mariez. Oh c’mon sinong mas bitch sa kanila? kahit kailan hindi talaga natin maiiwasan ng mga taong judgmental.

“batman salamat ha kaya mahal na mahal kita eh” sana nga yang pagmamahal mo hindi as a friend eh tanggap ko pa

“Syempre mahal kita” oh ayan totoong mahal talaga kita

“Thankful ako bestfriend kita”

 

“oh wag magdrama ngayon pasok na tayo” tapos ginulo ko ang buhok niya. Ngumiti sya saken sabay akbay. “tara batman pasok na tayo baka may mang-away saken aandar na naman yang pagkasuperhero mo” Loko tong si Mariez kagabi lang takot na takot ngayon maloko na ulit

Blake

Nakita ko sina Seven at Mariez na nagtatawanan. Tama pala ako mas magiging okay sya kay Seven pero nung nakita ko syang nakangiti kay Seven biglang kumirot yung puso ko. Naiinis ako sa sarili ko na hindi ko maiibigay ang sobrang kasiyahan. Kung tutuusin nagkaroon lang kami ng konting moments and the rest puro na pagpapahirap sa kalooban niya.

 

“Hay darling kasama ata ng malandi mong asawa ang bestfriend niya. How absurd iniwan ka nyang mag-isa”

 

“tumahimik ka” tinanggal ko ang kamay ng babaeng nakapulupot na sa barso ko. Makakapit wagas

“darling mainit ata ang ulo mo”

 

“tigilan mo ako ah, masasapak kita” bwisit ang kulit

“okay” tapos umalis na yung kapit girl na yun

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon