SPECIAL CHAPTER

2.5M 46.4K 12.1K
                                    

SPECIAL CHAPTER

"ALEX, saan ka pupunta?" kunot-noong tanong ni Lysander sa anak na malalaki ang hakbang na naglalakad palabas ng bahay. "Bakit nagmamadali ka?"

Inayos nito ang pagkakasukbit ng backpack sa likod, saka bumaling sa kanya. "I'm meeting with Pharexter, Phaxton, Levin, Tanner, Light, Saito and Trek," sabi nito. "Pupunta kami sa racetrack ni Tito Lander." Nagmamadaling isinuot nito ang sapatos. "I'll be home before dinner, Dad."

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang panganay na anak. Naaalala pa niya noong ayaw nitong umuwi sa Pilipinas, pero ngayon mukhang masaya naman ito sa bago nitong mga kaibigan. Just like him when he was a teenager. It was always fun hanging out with his lunatic friends.

"You need cash?" tanong niya kay Alex na pinagbubuhol ang sintas ng sapatos.

"Thanks, Dad, but no thanks," sagot nito. "May pera pa naman akong natira sa sinahod ko sa part-time job ko sa café ni Tita SM."

That made him smile. Good. Looked like his son was growing up. "Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ng extra cash? Baka may paggamitan ka," pamimilit niya. Gusto niyang malaman kung bibigay ang anak niya sa tentasyon ng pera.

Alex shook his head. "Nah. I'm good, Dad."

Lysander felt like a proud dad. "Tumawag ka na lang kung may kailangan ka, okay?"

"Yeah, sure." Alex gave him a small smile. "Stop worrying, Dad. Ayos lang ako."

"Okay." Pinagkrus niya ang braso sa harap ng dibdib. "Anyway, kailangan mo bang ihatid? I could lend you our helicopter—"

"Dad, seriously," natatawang pigil ni Alex sa iba pa niyang sasabihin. "I don't need a ride. Saka ihahatid naman kami nina Kuya Seth at Kuya Timber sa racetrack kaya ayos lang kami. Geez, Dad, I'm not a baby. I'm fifteen years old."

"Still a baby to me," sabad ni Jergen na hindi niya namalayang nakababa na pala ng hagdan mula sa ikalawang palapag. "Mag-ingat ka ro'n. Tatamaan ka sa 'kin kapag may nakita akong kahit kaunting gasgas lang."

Napangiwi si Alex. "Mommy, naman, eh."

Jergen smiled sweetly. "Sige na, umalis ka na. Bukas sasama ka sa 'kin, magpapa-enroll na tayo. Dalawang buwan ka nang nagpapahinga mula nang makabalik tayo rito, tapos na ang free time."

"Sure, Mom. Bye!" Nagmamadaling lumabas si Alex.

Nagkatinginan sila ni Jergen, pagkatapos ay pareho silang napangiti.

"He's growing up, baby," sabi ni Lysander, saka nilapitan ang asawa at naglalambing na niyakap ito sa baywang habang nakatayo ito sa unang baitang ng hagdan. "Ayoko siyang lumaki."

Pabirong sinabunutan siya ng asawa. "Baliw. Lalaki talaga ang mga anak natin, wala tayong magagawa diyan. Pero kahit rin ako, ayoko pa silang lumaki." Nalulungkot itong yumakap sa leeg niya. "Alex is really growing up. It makes my heart sad."

Hinawakan niya ang magkabilang baywang nito, saka binuhat ito pababa sa hagdan. At nang magpantay na ang mukha nila, hinalikan niya ito sa mga labi. pagkatapos ay hinalikan niya ang tungki ng ilong nito. "Don't be sad, baby. Nandito pa naman ako, magkasama pa naman tayo. Nandiyan pa si Lex."

As if on cue, narinig niya ang boses ng bunso nila.

"Mommy, can I swim in the pool?"

Sabay silang nag-angat ng tingin ni Jergen sa tuktok ng hagdan kung saan naroon ang bunso nila at nakaupo. Wala itong damit ni isa at kitang-kita ang matataba nitong braso, hita, paa at tiyan.

"Baby." Pinakawalan niya sa pagkakayakap ang asawa, saka humarap kay Lex. "Bakit wala kang damit?"

"Lex, magdamit ka," sabi ni Jergen na nasa likuran niya at nakayakap sa baywang niya. "Baka malamigan ka na naman, 'tapos sasakit ang tiyan mo. Remember the last time your tummy aches?"

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanWhere stories live. Discover now