CHAPTER 8

2.2M 40.8K 7.4K
                                    

CHAPTER 8

TALO pa ni Jergen ang isang imbalido sa loob ng limang araw na nasa bahay siya ni Lysander. Overacting na ito sa pag-aalaga sa kanya pero hindi naman siya makapalag. Pasalamat na lang siya dahil hindi siya nito sinasamahan sa banyo para maligo o kaya naman maglinis sa sarili.

Thank God for that.

Maingat siyang bumangon mula sa pagkakahiga, saka tiningnan ang orasan na nasa bedside table.

Nine AM.

Ininat niya ang mga braso, saka umalis sa kama at dahan-dahang humakbang patungo sa banyo para ayusin ang sarili niya.

Napangiti si Jergen nang kaunting sakit na lang ang nararamdaman niya sa pagkababae niya. Noong mga unang araw pagkatapos nilang lumabas sa ospital ang pinakamalala sa lahat. Halos mawalan siya ng malay sa sobrang sakit kapag umiihi siya. The pain was excruciating that she had been killing Lysander in her mind over and over again as she peed.

Pagkatapos niyang mag-toothbrush, naghilamos siya sa may lababo, saka dahan-dahan uli na naglakad pabalik sa kama. Tamang-tama naman na bumukas ang pinto at pumasok ang boss niya na nalukot ang mukha nang makitang nakatayo siya.

"Bakit ka naglalakad?" usisa nito.

Natigilan siya sa paglalakad, saka tuwid na tumayo at inosenteng ngumiti. "Ayos lang ako, Boss. Kaya ko na ang sarili ko."

"No." Pinukol siya ni Lysander ng matalim na tingin. "Dra. Czarina said one week. So, go back to bed right now and rest."

Napasimangot siya. "Ayoko. Bagot na bagot na ako," reklamo niya. "Gusto ko nang lumabas sa silid na 'to. Gusto ko nang pumasok sa opisina—"

"No." May finality sa boses nito. "You will rest."

Lalong humaba ang nguso niya nang lumapit sa kanya si Lysander, pinangko siya saka maingat siyang ihiniga sa malambot na kama.

"There," sabi nito. "Stop being so stubborn, Jergen. You're making me worry."

Inirapan niya ito. "Buwisit ka, Boss."

"I know. You said that every day."

Umayos siya ng higa. "Naiinis talaga ako sa 'yo. Bakit mo kasi ginawa sa 'kin 'to?" Pinandilatan niya ito. "I hate you."

"You don't mean that," sabi nito sa walang emosyong boses. "Anyway, tumawag pala si Terron. Tinatanong niya kung nasaan daw iyong folder ng account ni Mr. Zaragoza. Hindi raw kasi niya mahanap."

Inungusan niya ito. "Ikaw ang boss, dapat alam mo 'yan."

"That's what Terron said but as you know, I'm lazy. So, where is it?"

She rolled her eyes. "In my desk. Sa ilalim ng limang house designs na hindi ko naibigay sa 'yo. Nasa loob siya ng isang brown envelope."

"Copy that." Bigla na lang siya nitong hinalikan sa mga labi, saka nagpaalam. "Tatawagan ko lang si Terron. Huwag kang gagalaw, magpahinga ka lang."

Inirapan na naman niya ang lalaki pero hindi nawala sa isip niya ang bigla na lang nitong paghalik sa kanya bago umalis.

That was the first intimate contact they had for five days now. Nang makarating sila sa bahay nito three days ago, inilagay siya nito sa guest room na malayo sa kuwarto nito. Halata namang iniiwasan siya ni Lysander kahit pa nga nag-aalala ito sa kanya. At tumigil na rin ito sa pagtawag sa kanya ng baby. Hindi naman siya bobo at malakas talaga ang kutob niya na umiiwas ito. At sabi pa nga ng matatanda, malakas ang kutob ng mga babae.

Kaya naman nagulat siya sa paghalik nito sa kanya ngayon. What happened?

At dahil matigas ang ulo niya, bumangon na naman siya sa pagkakahiga, saka lumabas ng kuwarto. Dapat niyang isiksik sa utak ng boss niya na maayos na siya, na hindi na masyadong masakit.

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon