CHAPTER 23

1.9M 36.6K 9.5K
                                    

CHAPTER 23

"SIR, the Architectural Department called. Hinihingi nila ang mga approved designs mo para sa bahay na itatayo sa isang luxurious subdivision. Handa na po ba?" tanong ni Eliza, ang sekretarya ni Calyx na ipinahiram muna ng lalaki kay Lysander dahil naghahanap pa si Lysander ng bagong sekretarya na papalit sa asawa niya.

Lysander didn't like the idea of his wife working her beautiful ass off, lalo na't buntis ito ngayon. Kaya mas mabuting nasa bahay na lang ito at nagpapahinga.

"Sir?" pukaw ni Eliza sa kanya.

Napakurap-kurap siya, saka iniabot ang folder dito na nasa kanan niya. "Here. Pakibigay na lang sa kanila."

Tinanggal ni Eliza ang folder, saka tiningnan ang laman niyon. Kapagkuwan ay nakangiting ibinalik nito sa kanya. "Sir, parang ito iyong monthly report na ipinadala ng Accounting Department."

"What?" Kunot-noong tiningnan niya ang laman ng folder at sunod-sunod siyang napamura nang makitang tama si Eliza. "Fuck. Fuck. Fuck." Inilibot niya ang tingin sa mesa niya at nang makita ang tamang folder, ibinigay niya iyon sa sekretarya. "Here. That's the one."

Tiningnan uli ni Eliza ang laman, saka tumango. "Ito nga po 'yon, Sir." Akmang aalis na ito nang humarap uli sa kanya na parang may naalala. "Siya nga pala, Sir, na-contact ko na pala si Miss Tessmarie De Leon. She's not a wedding organizer but she's the best in organizing parties, events and such. And she's highly recommended by her previous clients. Pumayag na po siyang i-organize ang kasal n'yo. Nagtatanong po siya kung kailan kayo puwedeng makausap kasama ang bride?"

"Ahm..." Kailan nga ba siya free? "Maybe tomorrow? I want this wedding this month. So, we have to move fast."

"Maybe the day after tomorrow na lang, Sir," suhestiyon ni Eliza. "Bukas kasi naka-schedule ang food tasting n'yo para sa mga pagkain na ihahain sa reception."

"Oh." Kumunot ang noo niya. "Bukas na pala 'yon?"

"Yes po, Sir." Ngumiti si Eliza. "At ipapaalala ko lang, this eleven o'clock ang meeting mo with the cake maker."

Napamura siya bigla. "Ngayon na 'yon?"

"Yes, Sir." Eliza smiled again. "And tomorrow after the food tasting, naka-appointment po kayo for fitting, and then may board meeting po pagkatapos. Sa makalawa naman po, meeting n'yo with your wedding organizer, then your visit to the three subdivision projects. And then, kasama n'yo pong uuwi ang gagawa ng damit ng bride para i-fitting siya. Kasi 'di ba, ayaw mo siyang maglalabas ng bahay kasi baka ma-stress siya at mapaano si baby?"

"Yes." Tumango si Lysander.

"At na-inform ko na rin ho ang gagawa ng wedding gown tungkol sa disenyo ng damit na gusto n'yo. Ruth Pascua, a very famous wedding gown designer, said it and it could be done. She just need two weeks. At nag-confirm na rin ho si Mrs. Faith Gabriel-Yilmaz na tinatanggap niya ang kumanta sa kasal n'yo."

"And then after that?" Parang ang busy niya, ah.

"After that, Sir, bibisitahin po natin iyong private island ni Mr. Shun Kim, kasama natin ang wedding and reception decorator para po makita niya ang lugar at ma-estimate ang expenses."

Tumango siya. "Pagkatapos?"

"Pagkatapos ay kailangan nating bumalik agad kasi may meeting ka sa mga head engineer ng construction firm n'yo ho."

Malakas siyang napabuntong-hininga. "And?"

"And after that, we will visit the church where you want to get wed, of course, kasama natin ang decorator at organizer."

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanWhere stories live. Discover now