CHAPTER 21

2.2M 39.7K 9.8K
                                    

CHAPTER 21

"HUWAG natin iyang pag-usapan dito," iyan ang sinagot ni Lysander sa tanong ni Jergen kung mahal ba siya ng lalaki. Mahina na lang siyang natawa at napailing-iling. Nakakahiya ang katapangan niya pero gulong-gulo na siya. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin, lalo na't may ipinapahiwatig ang mga kilos nito.

Pero ayaw niyang mag-assume. Ayaw niyang pangunahan si Lysander. At nang maglakas-loob naman siyang tanungin ito, walang kuwenta naman ang isinagot sa kanya.

Gusto niyang sabunutan ang sariling buhok sa sobrang frustration na nararamdaman.

"Shit ka talaga si Lysander!" inis niyang sigaw.

Nagpapadyak siya. Nasa loob siya ngayon ng kuwarto ni Lysander at kanina pa niya gustong sumigaw sa sobrang sama ng loob. Pero iniisip niya ang baby niya. Mas ito ang dapat niyang isipin kaysa sa ama nitong walang kuwenta na nakakabuwisit.

Inis na nahiga si Jergen sa kama, saka matalim ang matang tumitig siya sa kisame. Buwisit ang lalaking 'yon! Pagkatapos kong kapalan ang mukha ko, ganoon pa ang isasagot niya sa 'kin. Sana sinabi na lang niya na hindi niya ako mahal para naman mag-move on ako kahit hindi naman naging kami. Kaysa naman ganoon na lalo lang siyang naguluhan.

Inis na bumangon siya, saka lumabas ng kuwarto. Nasaan na ang lalaking 'yon? Pagkatapos siyang ihatid sa bahay ay basta na lang umalis dahil babalik daw sa opisina. Para ano? Para balikan si Miss Montero? Naroon pa ba ang babaeng 'yon?

Hindi niya mapigilang mapahikbi. Ang buwisit na lalaking 'yon. Nagsawa na ba ito sa kanya? Dumating na ba ang expiration date niya? Ayaw na ba nito sa kanya?

Napahikbi na naman siya. Buwisit! Huminga siya nang malalim. Huwag kang iiyak, Jergen. Matapang ka! pagkausap niya sa sarili. Maging matatag ka at matapang para sa anak mo. Kung hindi ka mahal ng letseng lalaking 'yon, eh, di mag-move on ka!

Inis siyang nagtungo sa kusina, saka pinakialaman ang laman ng cup board. Napalunok siya at natakam nang makakita ng maraming palaman sa loob niyon.

Nutella, my favorite. Cheese spread, puwede na. Peanut butter... Nanubig ang mga bagang niya. Hmm, masubukan nga itong peanut butter.

Mabilis niyang inilabas 'yon sa cupboard, saka binuksan ang ref at naghanap ng sliced bread. Nang makahanap, mabilis siyang nagtungo sa mesa at nilagyan ng peanut butter ang sliced bread at mabilis na kinain 'yon.

Napapikit na lang si Jergen nang malasahan ang peanut butter sa bibig niya. Ang sarap. Parang dinala siya ng masarap niyong lasa sa langit. Sa mga oras na 'yon, walang makakatalo sa peanut butter para sa kanya kahit pa ang Nutella.

Maybe this is a pregnant thing.

"Hmm... this tastes good," pabulong niyang sabi, saka naglagay na naman ng palaman sa isa pang sliced bread.

Hanggang sa naubos niya ang sliced bread na kinuha niya sa ref. Tinatamad na yumupyop siya sa mesa at pinagkrus ang braso sa gilid at ginawa iyong unan.

Bigla siyang nakaramdam ng antok kaya naman ipinikit muna niya ang mga mata para ipahinga 'yon. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nagising na lang siya nang maramdamang parang may dumadampi sa balikat niya.

Napadaing si Jergen at unti-unting iminulat ang mga mata. Kapagkuwan ay napahalinghing na naman nang makaramdam ng kiliti sa leeg niya. Ang sarap ng sensasyong 'yon. Bumaling siya sa pangahas na gumagawa n'on at hindi na siya nagulat nang makitang si Lysander 'yon.

Mabilis siyang tumayo at umiwas dito, saka pinukol ito ng masamang tingin. "Don't come near me!" asik niya dahil sa inis na nararamdaman para dito.

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanWhere stories live. Discover now