20 Whose the new Playgirl Queen?

100 10 8
                                    

 Chapter 20 Whose the New Playgirl Queen?

 

(Sarangheyo03: Trust isang word na sobrang mahalaga sa isang relationship.. grabe nadala ako sa drama eh. Ano nga ba ang nangyari kay Sophie? Makakaya pa kaya ng mga kaibigan niya na baguhin siya o tuluyan na siyang madadaig ng evil. With this 20th chapter I give you the reason, the things na nagpabago sa kanya at ang kanyang pananaw. Enjoy reading fellas ~_^

 

CLOE POV

Sabi nga nila once na nasaktan ang isang babae gagawa ito ng di karaniwang ginagawa niya noon. Tama nga naman mahirap talaga mag-move on lalo na kung sobrang deep na ng pinagsamahan niyo. Di ko rin inaasahan na magiging sila ni Ionne in the first place dahil nga sobrang magkaiba ang pananaw nila.

Si Sophie kasi yung tipo ng babaeng kung magmahal ay sobra, ayun nung nawala si Ionne sa buhay niya ayun di naman siya nagpaka-emo di tulad ng mababalitaan na bitter pa rin. Kaya mahirap magmahal ang katulad ni Sophie, maari kasi matakot na siya magmahal muli. Alam niyo naman ang ibig kong sabihin di ba! Sa ngayon makikita mo siya na parang okay na ang lahat pero alam ko at nararamdaman ko na malungkot pa rin siya. +_+

Ayaw niyang ipakita na mahina siya kaya ang ginawa niya. Ayun sobrang nag-iba siya dahil sa natural na maganda siya ayun maraming nanliligaw sa kanya lalo na at single na siya ngayon pero kakaiba siya. Wala pang 2 araw sinasagot na niya ang nanliligaw sa kanya, hindi na siya ang kilala kong Sophie.

Okay na rin sana kaso pinagsasabay-sabay niya ang mga boys niya, meron siya sa ibang schools at 2 rin ang alam kong boyfriend niya dito sa Richwood..

Once nagkausap kami ni Brenan ang guy na sobrang close niya at akala ko isa sa mga boys niya pero di naman pala..

“Kumusta si Sophie, Brenan?” bungad ko sa kanya.

“Ayun kakasagot niya lang dun sa guy na sumundo sa kanya kahapon.” Sagot niyang sobrang lamya.

“Okay lang sayo yun?” tanong ko naman.

“Eh ayaw niya naman making sakin eh, anong magagawa ko” sabay shrug niya.

“Ano bang nangyayari sa kanya?” sabi ko naman.

“Isa lang sigurado ko” sabi ni Brenan ng pikit ang mata..

“Huh anong ibig mong sabihin..?” tanong ko pa.

“Masakit para sa kanya ang pag-iwan ni Ionne kaya ang ginagawa niya ay pagsabayin ang mga boys at iiwan din sila.   Hindi naging madali sa kanya ang magpanggap dahil nasakop na ng galit at hinanakit sa mga lalaki ang nararamdaman niya. Kahit nga sakin parang nawala yung tiwala na binigay niya eh.. ramdam ko yun eh. Masakit din kahit papaano para sa akin na makita siya sa ganong lagay pero eto tayo lalo nating kinukunsinti ang ginagawa niya.” Paliwanag niya.

“Kaya mo ba akong tulungan na mabalik ang dating Sophie?” tanong ko sa kanya.

Afraid to Love (Exoshidae)Where stories live. Discover now