[Chapter 11] Missing You

121 6 0
                                    

[Chapter 11] Missing You

[Cassie’s P.O.V.]

I miss her.

Her laughs, at yung pagiging pikon niya. The way she acts like a kid sometimes, tsaka yung mga jokes niyang corny. Her advices that struck me and her smile.

Haay! I really miss my sister.

“Hoy Cassirinedra! Napano ka?” bigla na lang akong natuhan nung tinawag ako ni Jeanna.

“H-ha? Wala. Hahaha! Buksan niyo nga yung tv.” Sabi ko naman.

Tapos, kinuha naman ni Terra yung remote tapos, in-on niya yung tv.

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH! W-wesley?” sigaw ko.

“Wesley? Tapos? Anong meron?” sabi naman niTerra.

“Ang gwapo niya talaga.” Sabi ko naman habang naka ngiti.

Haaay! Ang taong nagpapangiti sa akin.

Alam ko namang mahirap siyang abutin. Langit siya, lupa ako. Heredero siya, eh ano naman ako? Isang taong may lihim na pagtingin sa kanya.

“Gwapo? Yuck!” singit ni Terra.

“Huuy! Kayo naman. Ang cute kaya niya.” Pagde-depensa ko.

“Haay nako! Wag niyo na lang diktahan yang si Cassie. Kayo ba ang nagmamahal? Hindi diba?” Thank you so much Minerva. Mehehe.

At dahil naman sa sinabi ni Minerva, nagsibalik naman yung mga kaibigan namin sa kani-kanilang tinatrabaho.

Ako naman, nagpatuloy sa panonood.

Sila pala ang guest ngayon sa Kris TV. Apat lang silang meron. Si Jake, si Kristoff, si Yavy tsaka si labs Wesley.

Teka, di sila artista ah.

Mga rich kids lang sila. Yung mga Heirs ng iba’t ibang company. May group kasi yang apat na yan, well, lima talaga sila, si Drew ata ang wala.

Napaka-disente talaga nila. Siyempre, rich kids eh.

Ay! Nga pala, nasa school si Leissy ngayon, Monday eh. Yung apat naman na nasa tv ngayon eh schoolmates ni Leissy. Si Jake ang anak ng may-ari at pinsan niya naman si Kristoff.

Haay nako! Hanggang tanaw na lang ba?

[Charleese’s P.O.V.]

Nasa mall ako ngayon kasama si Hestia baby.

“Toppings!” sabi ni Hestia sa’kin.

“LOL! Umayos ka day! Bibigat yan pag dinagdagan mo pa.”

“Kahit naaaa! Ajujuju! Gushto ko ng strawberry toppings.” Tapos nagpout pa ang bruha.

“O sige na nga! Kung ‘di ka lang cute ewan ko na lang sa iyo! Bilisan mo na nga diyan! Pupunta pa tayo kay Margaret. Ikaw pa ‘tong nagpapalibre eh, ang tagal tagal!.”

“Hihihi! Sorry naman. Kasi Charl, matagal na rin tayong di nakapag-bonding achuchu, kaya sinusulit ko na.” Ayieeee! Kinikilig naman ako sa babaeng ‘to.

Seven Plus Eight Equals LOVEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora