[Chapter 9] Their Past

152 10 5
  • Dedicated to Diana Mae Redondo
                                    

[Chapter 9] Their Past

[Note: The Writer just want to clarify that Leissy and Austin are not the MAIN characters of this story. You will just meet hersoon, after a few chapters.]

[Leissy’s P.O.V.]

Good Morning Babies! *yawn*. Hay sa wakas! Nakabalik na rin ako sa bahay namin.

Yes! Bahay namin. Real home. With Mama, Papa, Ate Peissie and Cassie.

Kumpleto kami ngayon!

*clap-clap*

Alam na nila na pumasok ako sa mundo ng showbiz.

Siyempre, nung una, ayaw nila dahil daw, nag-aaral pa ako at isa pa, mahirap daw ang kurso ko na Law. Ayaw din nila dahil, alam nila kung gaano kahirap ang nae-expose sa camera, dahil baka pati ang private life ko eh madamay.

But at the end, pumayag din sila, dahil sa pangungulit ni Cassie tsaka, hindi na rin sila makakatanggi dahil natanggap na ako at nakapirma na ako ng kontrata.

Estilo lang yan brad. Kung ayaw nila, manguna ka muna, tingnan natin kung makakapigil pa sila.

“Deh! Meh! Teh!”

aray ah! Kung makasigaw ‘tung si Cassie, parang nasa kabilang baryo ang kwarto ko?

“OH?”

sigaw ko naman pabalik

Magkaiba na kami ng kwarto ni Cass, siyempre, nasa bahay namin kami eh. Sawang-sawa na ako na katabi yun. Ang ingay matulog. Kahit ano na lang ang pinagsasabi niya.

“Ate nga kita Leis pero, Peisserine Allison ka ba?”

sabi niya naman.

“Asar ka ha! Ano bang problema mo?”

sabi ko naman.

Para po malaman niyo, hindi kami magkaharap nitong si Cassie. Nasa kabilang side siya ng pinto, specifically sa labas, nasa loob naman ako ng room ko.

“Wala akong problema! Sadyang masaya lang talaga ako. Deh! Meh! Peisserine Allison Delamaire Salford? Tara Breakfast po tayo!”

sigaw niya sa labas. I-emphasize talaga ang buong pangalan ni ate? At hindi pa ako in-envite na kumain? Ano to? Bastusan?

“Oy Cass!”

at lumabas ako ng room ko, “Ako ba’y hindi mo isasama sa pagkain? Ng breakfast?”

“Tara sis! Nagluto akey. Dali na ditey!”

kailan pa ba natuto ng gay lingo ‘tong babaeng ‘to?

May pag ka-sweet po si Cassie, madalas sweet. Epaloids pero sweet.

Ewan ko ba kung bakit wala pa siyang naging boyfriend sa kabila ng mga gabundok niyang manliligaw.

Eto kasi ang malaking FACT diyan, madami siyang ginagawang alibi.

Bata pa raw siya. Nag-aaral pa daw siya. Ayaw daw nila Papa at Mama.

At kahit crush niya yung guy, hindi talaga niya sinasagot.

Hindi pa daw kasi niya nafe-feel yung ‘ZIP’. Zip means super kilig at yung sparks sa puso niya. Echos!

Seven Plus Eight Equals LOVEWhere stories live. Discover now