[Chapter 5] The History

158 13 2
                                    

[Chapter 5] The History

Hahahahaha! Kung nakita niyo lang ang mukha ni Austin! Nganga! Anong say niya sa english ko? Wahihihi!

“What? Duh! Why am I wasting my time in you? Marami pang fans na magpapa-autograph at mag-papapicture! Kaya, get lost you!” sabi niya. At pagkatapos nga nun, doon na ako kay Nichollo Davis pumila. Hello! Crush kaya siya ng nakararami. Tsaka, ako din.

“Hey! Bumalik ka nga dito! Le-Le-Leissy!” Kilala niya ako? Weh? Ang kyut naman nung Le-Le-Leissy! Beeeehhhhlllaaaat! Bakit naman ako babalik kung pinagso-sorry niya ako? Ano ako? BOBA? For His Information! LAW ang kurso ko, at dalawang taon na lang, GRADUATE na ako. Naunahan nga lang ako ni Cass. Sabagay, MASSCOM ang kurso niya. Madali lang matapos kasi four years lang.

“No way highway! Dito lang ako kay Nichollo.” Tapos nakita kong pumangit ang aura niya.

“Bibigyan kita ng Autograph!”

“No! I don’t need yours. It’s just a trash.”

“So trash. Trash na ngayon ang autograph ng isang celeb?”

“Ahmm, hindi naman. Yung sa iyo lang yung trash!”

“WHAT? Ahmm, SUPPORTERS and FRIENDS? Can I ask something?” sigaw niya sa BUONG CROWD. As in BUONG CROWD.

“YES AUSTIN! AHHHHHH!” Oh? Sasagot na nga lang, may pasingit pang tili. Nu ba iyan!

“Trash ba ang tingin niyo sa AUTOGRAPH ko?”

“NO IT’S NOT!” Hmmm? Pasip-sip lang naman yang mga comments nila eh. Mukha naman talagang trash yung autograph niya. Parang binagyo na ewan ang pagkasulat! Sa pirma na nga lang babawi, pangit pa rin.

“Sorry Leis! But the crowd has spoken.”

“Ahmm, let me clarify that statement Mister Charleston. Only the crowd, but not me! So it is INVALID.

“Ahhwwkeeeyy?” Oh ha? Anong awkey? Sabihin niya na lang na speechless na siya dahil first time niyang makipag-bangayan sa isang commoner at ako yun. But hindi naman ako magpapatalo ano? Porke’t celeb siya, may karapatan na siyang maliitin ako? Excuse me sa kanya! I’m just fighting for what is right. And the right ting is, kahit siya man ang Presidente ng Pilipinas, basta’t may nagawa siyang mali sa iyo, may karapatan kang ipaglaban ang panig mo.

As I said, in God’s eyes, we are treated fairly. Keber ko na sa kanila kung di sila nakakaintindi.

Hmmm, balik sa park, ang aking mga kasama ay nakakahiya na. Ako na lang ang nahihiya sa ginagawa nila. Mukhang ubos na nga ata ang memory ng celphone nila dahil sa kapi-picture. Ito namang si Cassie, may mga hawak ng posters. Naku naman! Dagdag basura na naman iyan sa bahay. Mukha na ngang COMMON UNIT MUSEUM yung kwarto naming dalawa, dahil punong puno ng common unit stuffs. May mga bubble head, stuff toys, unan, kumot, pati na nga ang wallpaper ng music room, COMMON UNIT na ang meron.

Haaay! Ako? Eto, hanggang autograph lang. Ibebenta ko kaya ito! Kailan pa ako nangolekta ng C.U. Collectibles. Hello! Hanggang 4% lang ang paghanga ko sa kanila nuh. Mas gusto ko kaya ang BLACKOUT. Nandoon kasi ang oh so hot na si Jazper Kline, ang kanilang bassist. Okay! Gusto ko nang umuwi! I’m so TIRED!

[Austin’s P.O.V.]

Damn that girl! Arrgghhh! Nakakabad vibes. Ngayon pa ako nakakita ng fan na hater na fan tapos hater tapos --DAMN!

Ewan ko lang kung pinanganak ba talaga siya para mang-gago ng tao.

I will never forget that girl. I will take a revenge of that stupid, damn girl!

Seven Plus Eight Equals LOVEWhere stories live. Discover now