[Chapter 10 -Part 2-] Condominium Riot

87 3 0
                                    

[Chapter 10 –Part 2-] Condominium Riot

[Austin’s P.O.V.]

Madaling umaga na, mga 3:20 am pa ata. Haaissh!

Alam na nga niyang galit na galit ako sa kanya, dinagdagan pa niya ang pagka-badtrip ko.

Klarong-klaro naman dun sa sinabi ko sa kanya diba? Na importante sa’kin yung damit na yun. Pero ano ang ginawa niya? Sinira niya. Makatarungan ba yun?

Sige nga, itry natin. Kunwari sayo yun ginawa ng taong kinaiinisan ninyo. Anong mararamdaman ninyo? GALIT AT POOT diba?

Hindi kasi niya ako naiintindihan.

Humanda sa’kin yung babaeng yun.

Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ni Leissy.

Dun sa side table niya, nakapatong ang phone at ang baso ng tubig dun.

Try ko kayang ilub-lob to? Waterproof kaya?

*MISSION ACCOMPLISHED*

Makabalik na nga ng tulog.

ZzzzzZzzzzzZzzzzz...

[Leissy’s P.O.V.]

*Yawn*

Ay! Maka-inom nga ng tubig.

Kinuha ko yung baso at uminom. Take note: Nakapikit pa rin ako.

Naramdaman ko na lang na parang may malamig na dumampi sa labi ko. ICE ba to?

Eh kagabi pa ‘to ah!

*Dilat ng mata*

“AHHHHHHHHH!” Y-yung phone kooooo! Nasa baso!

Anak ng tupa’t kalabaw!

Arrgghhh!

Teka, buti na lang waterproof ang cellphone ko. Hihihi.

Pero, EEEWWWW! Nainom ko yung pinaglub-luban ng cell ko. Haanngdumi!

Binalik ko na nga sa kanya yung t-shirt niya, gumaganti pa rin.

Ano bang problema niya?

Akala niya titigil na ako dahil nakonsiyensya at naawa ako sa kanya kahapon? Pwes, nagkakamali siya. Bwahahahaha!

Ano bang pwedeng pambawi?

Lumabas ako ng kwarto ko at nangalkal sa ref. May naisip kasi ako.

Dahil sa paborito ni Austin ang gatas sa umaga. May naisip akong magandang ideya pambawi.

***

“Goodmorning boys! Oh. Breakfast is ready. Kain na kayo.” Sabi ko.

“Tagayan mo nga ako ng gatas Leissy.” Utos ni kamahalan. Sinunod ko naman.

Seven Plus Eight Equals LOVEWhere stories live. Discover now