Chapter 29

11.8K 148 6
                                    

Chapter 29
Problem





Brett Lawrence's POV:


"Bakit nandito ka na naman?" Nakasimangot na tanong sakin ni Hervin Seth. May hawak pa itong maliit na towel at pinupunas sa ulo niya. Mukhang galing lang sa kakaligo nito at may suot pang bathrobe.

"Kasalanan ko bang ikaw lang ang nagiisa kong kaibigan?" Sarcastic na sabi ko sa kanya at ininom ko na ang kakabukas ko lang na beer galing sa ref niya. Sumalampak ako sa lazy boy niya.

"Bakit ba kasi ako naging kaibigan mo?" Di makapaniwalang sabi niya saka ako tinalikuran papasok sa kwarto niya. Magbibihis na siguro.

Tahimik lang akong uminom sa beer in can na hawak ko. Iniisip ko ang nangyari sa amin ni Arianne. Grabe! Okay naman kami tapos bigla siyang naging parang ibang tao. Para siyang mangangat na kanina. Pero bakit nasasaktan ako ng makita na umiiyak siya lalo na at alam kong ako ang dahilan? Hindi mawala sa isip ko ang itsura niya kanina.

"Anong atin? Pupunta ka dito di ka man lang nagdadala ng pagkaen. Inuubos mo stock ko." Reklamo ni Seth pagkaupo niya sa couch at sinipa pa niya ang inuupuan ko.

Umaarte lang yan na parang ayaw ako makita pero sa totoo lang siya ang bestfriend ko. Nasa tyan pa lang ata kami ng mga nanay namin magkaibigan na kami. Ganyan lang siya maglambing sakin. Halos kapatid na ang turingan namin.

"Para naman ikakahirap mo yung pagpunta ko dito. Kuripot ka din minsan. Sabihin ko kay Mimi maghanap na ng iba." Pang aasar ko sa kanya.

"Di ka kakampihan nun. Love ako nun." Sabi niya.

"Mahal ka ba talaga?" Pang aasar ko pa at ambang susuntukin ako pero di din naman niya tinuloy. Sensitive na topic kay Seth 'yun. Pero that is not my story to tell.

"Hinatid ko kanina si Arisha sa bahay mo a? Ano nangyare?" Tanong niya at kumuha siya ng chips na nasa center table niya. Kita niyo na nagchange topic siya? Hahaha.

"Nagkita ba kayo?" I asked him.

"Nakita ko lang siya sa may gate ng village niyo. Nagtatalo ata sila nung guard kaya sinabay ko na siya. Wala siyang dalang sasakyan." Kwento ni Hervin. He even shrugged his shoulders.
Tumango tango naman ako.

"So how was it? May problema ba kayo?" Tuloy ni Seth. He was not the nosy type. He does not stick his nose on other's business. Kaso nga bestfriend ko siya so he knows me well.

"I don't know. Sort of." I shrugged.

"Lagi na lang kayo nagaaway? At di mo alam samantalang ikaw ang asawa." Mukhang di siya makapaniwala at umiiling iling pa.

Alam na kasi ni Hervin yung nangyari nung paguwi ko galing Las Vegas. Wala akong nilihim sa kaibigan kong to. He keeps me sane. He never lets me down. Lahat sakin alam niya same as him to me. We are each others diaries. Sort of gay but yeah that's how it was for us.

I sighed and drink from my beer again. Nakatingin lang sa akin si Seth. Hinihintay niya ko na magsabi.

"Ghino ghost ko daw siya." I started. Napa bulanghit naman ng tawa si Seth sa sinabi ko. Bwiset talaga to.

"Paano naman nasabi 'yun? Ano nangyari?" Biglang nabuhayan ng dugo si Seth sa sinabi ko. Kaya na excite sa mga nangyari samin ni Arianne. Kaya no choice na ikwento din sakanya lahat.

"Di ko siya maintindihan? Okay naman kami tapos bigla siyang nagoutburst? Like what the heck is her problem? Di man lang niya ko pinagexplain at nag walk out siya?" I started ranting to Seth.

"Dude, you cannot put the blame on the girl. Ikaw din naman may kasalanan. Paasa ka din. You put her hopes up and she is on the verge of falling for you. Tapos magbibigay ka ng mixed signals." Seth told me. Para na siyang si Mimi na walang ginawa kundi pagsabihan at pangaralan ako.

"Hindi naman ako sanay sa ganito Seth. This is all new to me. Alam mo naman." I argued. He gave me an understanding look at pat my shoulder.

"I know, man. You should both communicate with one another that's the best way para di kayo nagkakaroon ng misunderstanding. Magusap kayo." He told me.

"Paano kami maguusap e galit nga siya?" Tanong ko naman.

"Hay Brett, when will you ever learn? Get the girl to talk to you. As you've said babawi ka sa kanya. Then do it." He said. to me.


_ _ _ _ _ _


"That's a wrap guys!" Sabi nung director namin. Ngumiti lang ako at mabilis kinuha ang mga gamit ko at nagbabye sa kanila. Hindi ko na hinintay na sumagot ko sa kanila at dire diretso na akong umalis.

I was walking out of the hallway papunta sa elevator. When I heard someone calling me from behind.

"Hoy! Saan ka pupunta? Bigla bigla ka na lang umaalis?" Habol ang hininga pero pasinghal na sabi sakin ng manager ko na si Anya. Ang bilis talaga nito. Kaya minsan nahihirapan akong takasan siya. Para siyang dragon kung magsalita. Palaging galit. Malayo pa naman siya sa menopausal pero mainit lagi ulo niya. Siya ang babaeng di alam ang salitang 'saya'

"I have an important meeting today. Cancel mo na lang yung mga ibang sched ko ngayon. Urgent kasi ito. Hanggang bukas." Sabi ko sakanya at tuloy tuloy pa din ako sa paglalakad.

"Ano?! Anong important meeting? Sinong ka meet mo? Babae ba iyan? Jusko!  Wag mo ko bigyan ng sakit ng ulo! Pagtapos magtrending nung IG post mo hindi na ko nilubayan ng mga reporters!" See? Sobrang nagger niya. Feeling ko nga may lumalabas na usok sa ilong 'to si Anya kapag tumataas ang boses niya. Pero parang kapatid ko na si Anya and she was a good manager and also a dear friend. Kaya kahit hot headed siya okay lang sakin.

"Promise behave ako Anya. Basta kailangan ko lang asikasuhin ito. Kita na lang tayo sa isang araw." Nginitian ko lang siya at pumasok na sa elevator dahil sakto kakabukas lang. Kinawayan ko pa si Anya pagpasok ko.

"Hay, di na talaga kita mapipigilan. No monkey business." Sabi niya at napairap habang naka cross ang mga braso sa dib dib niya. Binigyan niya ko ng I'm watching you gesture. Yung dalawang daliri itatapat sa mata tapos ituturo yun sa taong kaharap.

Nginitian ko lang ulit si Anya at nagsalute with two fingers then the elevator doors closed.

Kailangan ko pang bumawi. May babae pa kong aamuhin at pusong papalambutin. Hope this will work.



______________________________



A/N: Sorry na dedelay ang update hahaha. Nag kdrama marathon ako.

#6 break-up Thank you po! :)

Comment naman po kayo dyan.





I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon