Chapter 16

13.2K 158 3
                                    

Chapter 16
Crush




Arianne Shawna's POV:



Ang bilis ng mga araw at sabado na naman. Ilang araw na din ang nakalipas simula nung "rest room incident" namin ni Brett. Araw araw na ulit kami magkatext at araw araw din aiya nagpapadala sa akin ng mga bulaklak. Si Kuya tuloy naghihinala na may manliligaw ako.

Ngayon kasama ko ang mga kaibigan ko si Aivan, si Jamie at si Kurt. Okay na ulit si Neil at Kurt. Ganun lang talaga yun magtatampo saglit pero magkakaayos din naman. Para na din kasi kami magkakapatid dahil halos sabay sabay na kami lumaki.

Si Jamie ang una ko naging friend dahil magkakilala na ang mga pamilya namin dahil sa negosyo. Nagkakilala kami sa isang children's birthday party na pinuntahan namin noon. Naging magkalaro kami at we just clicked. Tapos napagalaman namin magkaklase pala kami sa school simula kinder. Ayun, dahil dun soul sisters na kami ni Jamie. Siya talaga ang best friend ko.

Si Aivan at Kurt elementary namin naging friends ni Jamie. Classmates din namin sila nung Grade 1 at sila talaga ang original na magbestfriends. Na meet namin sila dahil naglalaro kami ni Jamie ng jackstone ng sumali si Neil. Tinuruan namin siya dahil di siya marunong at natuto naman siya agad. Kaso nung naglalaro na kami nagaway na kami ni Aivan kasi gumalaw yung isang star nung kinuha niya. Sabi niya hindi daw ayun nagtalo kami. Si Kurt ang umawat samin kasi di kami kinaya ng powers ni Jamie. Pareho kaming palaban ni Aivan. Haha. Kaya ayun, since then hindi na kami napaghiwalay na apat.

Nasa isang Karaoke Bar kami at nasa isang private room. Hindi to pipitsuging karaoke bar or night club no. We won't go there. Nasa isang high class kami na karaoke bar. Sound proof yung kwarto. May strobe lights at disco ball. Tapos may stage at may vintage microphone. Pero meron din mga wireless na mic. At may mahabang couch din. You can party at this private room which also good for 10-15 people.

"This is the part when I say I don't want it I'm stronger than I've been before." Bumibirit ngayon si Aivan at nag fe feeling na siya si Ariana Grande. Sumasayaw sayaw pa siya sa stage na parang concert niya talaga. Hagalpak naman kami kakatawang tatlo dahil sa pinagagawang kahihiyan ng kaibigan namin.

Nag add ako sa stories ko sa instagram ng video ng pagsasaya naming apat. Kumakanta pa din si Aivan ng Ariana Grande tapos back up singers kami ni Jamie pero nasa couch pa din kami. Si Kurt naman tawa lang ng tawa. I tagged them.

"Hoy! Groupfie naman tayo so I can update my IG." request ko. Agad naman sumunod ang apat. Bali ang pwesto namin from left to right si Aivan, ako, si Kurt at Jamie. Si Aivan yung kukuha ng picture namin. Nakahawak ang dalawa kong kamay sa balikat ni Aivan si Kurt naman pinatong yung baba niya sa balikat ko at nakaakbay pa sakin at si Jamie nakahilig ang katawan kay Kurt at naka peace sign todo naman ang awra ni Madam Aivan.

Nung nakapagpicture na kami I instantly post it on my IG. Kumakanta na ngayon si Jamie at Aivan sa harap ng Taylor Swift song favorite kasi ni Jamie yun. Ako naman busy sa pag update ng IG ko.

"Can't you see that I'm the one who understands you
Been here all along so why can't you see
You belong with me" todo bigay naman si Janella Marie sa pagbirit. Hahaha.

Sobrang favorite namin tatlo ang Karaoke night kasi kahit di kagandahan ang mga boses namin kiber lang. Nageenjoy talaga kami. Si Kurt audience impact lang hahaha. Shy type kasi siya. Samantalang kaming tatlong maria ay feeling mga concert queens. Lalo na si Aiban malapit niya na talbugan si Anne Curtis sa pagfifeeling na hindi siya sintunado. Hahaha.

"Arisha! Mamaya na yang cellphone cellphone ito na ang kanta natin! Umakyat ka na." parang nanay na sermon ni Aivan sakin at minamadali akong umakyat sa stage at inaabutan ng mic.

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now