Chapter 28 - Kuya

9.3K 147 17
                                    

Nagising ako kasi naramdaman kong kailangan kong mag-cr. pero laking pagsisisi ko nung napatingin ako sa clock! Walanya 3:07am! Pero di ko na talaga kaya, kailangan ko na bumangon.

Pagtayo ko dumiretso na kaagad ako sa cr, buti na lang bukas yung ilaw. Hindi kasi pinapatay ni Chandria yon pag gabi. Nung nakaraos na ako babalik na sana ako kaso parang may narinig akong umiiyak sa veranda. Kahit natatakot ako sumilip pa din ako.

"Ahhhhhhh!" "Kyaaaaahh!"

Napaantras ako sa gulat!

"Arggh! Kuya why are you there?" 

"Baka ako ang dapat magtanong niyan? Anong drama yan?"

Pinunasan niya yung pisngi niya, "Wala. I had a nightmare lang" papasok na sana siya pero hinarangan ko siya

"Pektusan kita eh! Ano ba kasing iniiyak mo jan?"

Nung una ayaw pa niyang sabihin pero napilit ko din siya. Nagpunta kami sa veranda at nagstorytelling. Ikinwento niya saakin lahat lahat, ang sarap nga mang-asar eh pero dapat ko munang pairalin ang pagiging kuya ko sa mga ganitong sitwasyon.

"Eh bat mo pa kasi siya tinulungan? Alam mo naman na masasaktan ka lang sa huli!"

Nagbuntong-hininga siya, "Ewan ko ba kuya!" tapos ipinatong niya yung noo niya sa tuhod niya, "Kuya, bakit ganon? Ang sakit!"

"Ng ano? ngipin mo?"

binigyan niya ako ng death glare

"De joke lang!" tapos hinaplos ko yung likod niya, "Alam mo Cha, ang bata bata mo pa para sa ganyan! Yang nararamdaman mo kay Deej, hindi pa yan ang true love! Habang tumatanda ka, marami ka pang makakahalubilo at maaaring dun mo mahanap yung true love mo. Baka Infatuation lang yan"

"Hindi rin, kuya! Hindi naman ganito katindi ang Infatuation diba?"

napatango ako, oo nga naman, "Ahmm sabihin na lang natin na Infatuation with feelings sagad times ten to the nth power!"

Natawa si Cha, "Kuya naman eh! Real talk tayo eh!"

"At least napangiti kita!" tapos inakbayan ko siya, "Ganito na lang, i Promise mo saakin na pag gising mo bukas kakalimutan mo na yang feelings mo kay Deej! Magmomove on ka"

kinunotan niya ako ng noo, "Bakit?"

"Kasi kung hindi ka pa magmomove on ngayon mas lalo kang masasaktan kapag nalaman mong sila na!"

"Kuyaa naman eeehhh!" tapos pinalo niya ako sa braso

"Sinasabi ko lang yung totoo!"

SiblingzonedWhere stories live. Discover now