Chapter 6 - Guy friend

13.5K 192 43
                                    

"Mommy, Dad's performace last night was amazing!" kwento saakin ni Princess habang binibihisan ko siya.

"Really? Did you enjoy?"

Tumango siya, "Yup! and you know what, mommy. Dad has fangirls!!"

nagsmile ako, "I know, ang gwapo naman kasi ng daddy mo eh"

"That's why I'm pretty!" sabi pa nito

niyakap ko siya, "Anak ka nga talaga ni Daniel!!"

tumawa na lang kaming dalawa

"Ma! Let's go na, may flag ceremony po ngayon bawal malate!" Nash

"Sige, sunod na kami"

Kinuha ko na yung mga gamit ni Princess at dumiretso na kami sa kotse. Nung okay na ang lahat, inihatid ko na sila sa school.

"Bye, mommy!" paalam nilang tatlo

"Byee, see you later!"

Nung nakita kong nakapasok na sila sa campus, nagdrive na ako pauwi.

Hay! sana nasa bahay pa si Daniel, gusto ko na siyang makausap!! Di ko na kaya itey!

Pagkadating sa bahay, ipinark ko na yung kotse ko at agad na pumasok sa bahay. 

Nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong tulog pa si Daniel, baka napagod sa gig kagabi.

Pumunta na ako sa kitchen para simulan yung surprise ko. Hindi naman bongga yung gagawin kong surprise. Ang mahalaga eh makapag-ayos na kaming dalawa.

Sinimulan ko nang hiwain yung mga kakailanganin ko sa pagluluto ng breakfast. Kailangan ko magmadali kasi baka magising na si Kamahalan :">

*Daniel's POV*

Paggising ko kinapa ko yung tabi ko, wala na si Kath :(

Bumangon ako sabay gulo ng buhok ko. Dumiretso muna ako sa banyo para makapagtoothbrush. at shet! nagulat nanaman ako sa nakita ko sa salamin, napaka gwapong nilalang naman!

Paglabas ko ng kwarto, nakaamoy ako ng garlic rice. Nagluluto si Kath??

Dahan dahan akong bumaba at nagpunta sa kitchen. May nakaprepare ng breakfast sa table.

tumingin-tingin ako sa paligid, wala si Kath. asan na kaya yun?

"Kath??" paghahanap ko sakanya. umikot ako sa kitchen pero wala siya dun, "asan na kaya yun?"

SiblingzonedWhere stories live. Discover now