Chapter 25 - Life saver

10.1K 155 18
                                    

"Sige na pare, una na ako!" Paalam ni James, "Nanjan si Inang reyna, di pwedeng gabihin"

"SIge bro! Kapag sinalubong ka ng mga aso jan, wag ka na pumalag. Palapa ka na ah! Labyu!" sigaw ni Deej bago lumabas ng pinto si James

"Eh pekye ke keng genen!" pag-aasar naman niya kay Deej

"Oh kayong dalawa, wala pa kayong balak umuwi?" tanong ni Marlo saamin

"Hindi naman sa ganun, mnedyo lang!" at napakamot ng ulo si Marlo, "tsaka wala hapunan dito eh, wala si mama, kaya wala akong ipapalamon sainyo!"

tumayo ako, "Ako na bahala pare, lulutuan ko kayo ng pang-world class cuisine!" pagyayabang ko.

"Sigiraduhin mo lang, pare! kundi ikikiss kita!" banta ni Deej

napailing na lang ako at nagpunta na sa kusina nila. Mga hayup di man lang talaga ako tutulungan? -_-

Nagtingin ako ng ingredients dun sa cabinet at ref nila Marlo, marami naman palang laman. sadyang wala lang ready-to-eat. Kumuha na ako ng mga kailangan ko sa aking gourmet!

Habang naghihiwa ako ng ingredients may biglang nagsalita sa likod ko, "Ahmm Hello po, ano po maitutulong ko?"

Napalingon naman ako. At nanlaki ang mga mata ko, "A-ahhh," napatingin ako sa hinihiwa ko, "Ahh wala na, patapos na rin naman 'to. Salamat ah" 

"Ang galing niyo naman po, kalalaki niyong tao pero marunong kayo magluto, di katulad ng kuya ko walang kwenta" natatawang sabi niya

napatingin ako sakanya, "Ikaw? marunong ka ba?"

umiling lang siya

"Gusto mo turuan kita?" 

Napansin kong nagliwanag yung mukha niya, "Sige po!!"

Napangiti naman ako

"Nako! sigurado matutuwa si mommy kapag natuto akong magluto!" sabi niya habang nakatingin sa ginagawa ko.

At dahil wala na akong masabi at gusto ko pa siyang makausap, may mga nonsense question na lumabas sa bibig ko, "Ano pangalan mo?" tanong ko kahit alam ko na

"Sharlene Mortel po!" nakangiti niyang sagot, "Ikaw po?"

"Nash. Nash Padilla" Hindi na ako nakipagkamay kasi amoy sibuyas yung kamay ko, nakakahiya naman.

:Ahh kuya Nash, ano po lulutuin mo?"

"Ahmm, Pork Steak"

SiblingzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon