Chapter 19 - Single beybeh!

11.2K 142 17
                                    

*ting ting*

kinuha ko kaagad yung phone ko at binasa yung text

'From: Marlo

 Mga bro! Pers day ng pagiging single ni Deej! Tara DOTA!!!'

nagreply agad ako

'Tara, brad! kita tayo sa court, kain lang ako!'

binilisan ko na yung pagkain ng almusal ko tas naligo na rin ako kaagad. kinuha ko na yung wallet ko at lumabas na ng kwarto.

"At san ka pupunta?" nakapamewang na salubong saakin ni mama

"magdodota po"

"maagang umuwi ah, sasamahan natin si Chandria sa airport" paalala ni mama. ngayon na nga pala yung uwi ni Tito.

Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa court. malapit lang naman yun dito sa bahay eh. Pagdating ko sa court saktong kakadating lang din ni Marlo.

"San tayo?" tanong ko

"jan na lang sa Surfers, katamad dumayo sa ibang shop eh"

tumango na lang ako at naglakad na kami papunta sa comp shop. Pagdating dun nandoon nadin si Marlo, nagiintay sa labas.

"Tatlo lang tayo?" tanong ni Marlo

"Bakit? may nakikita kang hindi namin nakikita?" tanong ko

"ogags! miss ko na si Nash, bro!" sabi ni Marlo

napatango ako. Nakakamiss din naman yung ugok na yun kahit papano.

Pumasok na kami sa comp shop at naghanap ng makakalaban. Puro mga kasubdivision lang naman namin yung mga nandun kaya ayos lang kasi kakilala.

"Tara! 3 v 3! bayad PC!" aya ni James

nag-agree naman yung mga nandun. Pumwesto na kami at nagsimula na ang laban. nung simula syempre kalmado. Pero habang tumatagal lalong nagiging intense, tas madami na rin yung mga nanonood. yung iba nga nagpupustahan pa kung sino mananalo saamin eh.

Hindi sa pagyayabang-- sige na nga, sa pagyayabang! nafefeel kong matatalo namin 'tong mga weaklings na to. Pano ba naman ang bobo ng mga build!! Relax pa kami ng mga katropa ko pero sila mga hindi na makasandal sa mga upuan nila!!!

Nung kalagitnaan na, ramdam na ramdam ko na talaga ang tagumpay! mga walanghiya kasi yung kalaban namin, di ko alam kung bobo talaga o bobo lang talaga eh! ampota sila-sila na lang din yung mumurahan!!!

SiblingzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon