Chapter 14 - Finale

203 8 6
                                    

Tama nga ang matatanda - ang tao habang nabubuhay may pag-asa.

Akala ko nung maghiwalay na kami ni Brent katapusan na ng lahat.

Six months na simula nung insidente sa parking area. Andito kame ngayon ni Jethro, as always, sa park. Madame na kaming memories together. May masaya, may malungkot, may nakakaasar. Pero sa kabuuan, I am more than happy being with him.

Unfair siguro pakinggan pero yung break-up namin ni Brent ang nagbigay saken ng pagkakataon para makahanap ng higit na happiness. And to think that this guy beside me is the last man I thought I could be with. Dahil I am his cousin's gf.

Kumusta na kaya si Brent? After kong makita yung pagsakay nya sa kotse nya at pag-alis nung araw na maging official kame ni Jethro hindi na sya nagpakita kahit sa campus.

+++

After ng incident sa park, I asked my father to send me away.

Kahit saan basta malayo sa lahat ng kakilala ko. Masyadong masakit yung nangyari pero aminado akong kasalanan ko.

Nung una ayaw sana ni papa na payagan akong umalis. Hanggang magkalabasan kami ng sama ng loob.

"Why do you want to keep me here, 'pa? I don't even see you that often kahit nasa iisang bahay tayo. You don't know me. I don't even feel like I am your son." sobrang emotional ng araw na yun para saken. Kaya naman nung dumating ako ng bahay na andun si Papa kinausap ko na kagad ng walang ligoy.

"Anak, I maybe busy with my work but I haven't forgotten about you. Para saan sa tingin mo ang lahat ng mga naipundar ko?" mahinahon nyang paliwanag. Nasa likod na naman sya ng study table nya.

"Do you think mauubos ko lahat ng mga naipon mo para saken? Damn, 'pa! Kahit ata sampung beses ako ipanganak at mabuhay hindi ko kayang ubusin ang trust fund ko. Aanhin ko yang pera nyo kung wala naman akong matinong pamilya?" my tears started to fall. Napakaloser ko!

Dun ko nalaman na nagkaayos na pala sila ni mama only that they decided to stay as friends dahil may pamilya na si mama. Katulad ng mga telenobela, biktima ang parents ko ng fixed marriage. Lamang, yung sa kanila hindi nauwi sa happily ever after.

Kaya ngayon, sa consent ni papa, kasama ko ang pamilya ni mama dito sa Arizona. Dito muna ako hanggang sa gumaling ang puso kong ako rin naman ang sumugat.

+++

Pauwi na kami ni Jillian.

My cousin's EX gf. Dahil natupad ang kahilingan kong maging AKIN na lang sya.

Kung san mang lupalop nagsuot si Brent, alam ko napatawad na nya ako. Dahil alam ko wala naman syang ginusto kundi mapabuti si Jillian. At sumusumpa ako kay Batman, pati na kay Superman na aalagaan ko si Jillian.

Pumarada ako sa tapat ng bahay nila.

Sya nga pala, kilala nako ni Kuya Guard bilang bf ni Jillian. Hehe. Naikwento nya samen na galing dito si Brent nung "tayo na ba?" day at hinanap ang gf KO. Oo, possessive ako. Gf KO! AKIN na toh! Haha!

"Pano, sunduin kita bukas?" I gave her a peck in the lips.

"Aba, syempre." hinampas nya ako sa braso.

Kinuha ko naman ang kamay na ipinanghampas nya at tinitigan.

"Babe, ang laki pala ng kamay mo noh?" I said.

Mukhang napikon ata at hinatak ang kamay nya pero hindi ko binitiwan, "Maghanap ka ng maliit ang kamay!" tapos umirap.

Napangiti ako, ang cute nya talaga pag-nagagalit!

"Bakit naman ako hahanap ng maliit ang kamay? Eh hawak mo na ang mundo ko!" and gave her hand a kiss.

Ang sarap ng feeling ng may nagmamahal at minamahal ka rin!

**The End**

+++

waaahhhhh... walang wenta! haha! ang iksi ng series ko.

sa mga disappointed, pasensya na po talaga. nawala ako sa focus kaya i had to end this story bago pa mamurder ng tuluyan.

i'll try to make it up in my next series - hopefully - kung magkakaron pa.

thank you po sa lahat ng nagbigay ng chance sa mini-series na ito. (^.^)\/

My Cousin's GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon