Chapter 2 - Ang Tropa

285 4 0
                                    

Sa canteen, hindi naiwasan ni Joey mag-usisa.

"So Jill, how long na nga kayo ng pinsan nitong si Jethro? Kwentuhan mo naman kame!" pag-oopen ni Joey ng conversation.

Ayaw ko sana magkwento dahil sa totoo lang, on and off kame ni Brent. Sobrang palikero kasi. Kundi ko lang talaga love yung mokong na yun.

"Well, kung idi-disregard ung tatlong cool-offs and dalawang break-ups, hmm, siguro three months na kame." di ko naiwasang mapabuntong-hininga.

"Huhulaan ko - yang buntong-hiningang yan para sa mga textmates at flings ni Brent noh?" si Joey pa rin.

"Huh? Pa'nong?" kunot na kunot ang noo ko. Kasi naman, Brent and I, we've been trying to keep things to ourselves. Ayaw naming may ibang ma-involve sa issues ng relationship namin as much as possible.

"Hehe, hindi naman kasi kaila sa lahat ang pagiging -" nakita ko ang pagsiko ni Jethro kay Joey.

I suddenly realize kung gaano kakonti magsalita itong si Jethro. Parang sa barkada nila eto ung pinaka-shy. Though from afar napapansin ko naman na close sya sa mga friends nya pero parang aloof sya pag may babae sa paligid.

"Wag mo na lang pansinin tong si Joey, Jill. Ang totoo nyan, wala akong kilalang naging gf ni insan ng lagpas ng isang buwan. At lalong wala akong alam na binabalikan nyan matapos ang break-up or even cool-off. I'm not saying this 'cause he's my cousin, it's just yun yung observation ko." he smiled. At parang engot naman ang heartbeat ko na naging erratic! Aba, kelan pa nagkaepekto saken si Jethro?!

"Ah oo nga naman. Pero kung ang gusto mo talaga eh 'yung taong ikaw lang at sa'yo lang, bah, dito ka na ke Jeth! The best toh, next sa'ken!"

Napangiti ako sa sinabe ni Joey. Naalala ko kasi nung minsan naikwento saken ni Brent yung ex ni Jethro. Yung Kristle ata yun na ipinagpalit si Jethro sa isang campus professor after 2 years of being together.

Sabe pa ni Brent, after nung kahiya-hiyang break-up, never na nila nalaman na nag-gf or nagkaron ng kahit fling man lang tong si Jethro. Haiii, sana ganun din si Brent!

"Actually, haha, if I may share, madalas na babae talaga ang reason ng misunderstandings namen. Kung hindi ko mahuhuling may ka-text, maaaktuhan ko namang may kasamang iba." naiiling na paliwanag ko.

"Ah, mahal mo talaga. Kasi napagtyatyagaan mo eh." very casual ang pagkakasabe ni Jethro though may nahihimigan akong bitterness sa tono nya. Or baka naman dulot lang ng malikot kong imagination.

May lumapit na grupo sa'men. At kung di ako nagkakamali, barkada rin nila ang mga toh.

"Uy mga tol, kasama nyo pala si Jillian!" si Lance, ang utak at speaker ng grupo. Nakakatuwa ang isang toh, kala mo lagi kakandidato kung bumati at kumaway.

"Kumusta pre?" si Paul naman na yun na ata ang palagi kong naririnig na opening line. Tinapik nito sa balikat ang dalawang nakaupo.

"May kinausap sa staff room si Brent kaya sinamahan muna ako nitong dalawa na magmerienda." paliwanag ko.

"Pero di ba - " yan naman si Mike, sabe ni Brent, bad boy sa kanila si Mike pero sa observation ko, okay naman sya. Nagtaka ako na hindi nya tinuloy ang sinasabe.

"May klase tayo ng 3pm noh?" kung hindi ako nagkakamali may secret code ang mga toh, kasi sabay-sabay nagtanguan ang lahat after magsalita ni Jethro.

"Ah oo, ke Prof. Cabaddu!" at si Nathan na kagaya ni Jethro ay palagi ring tahimik though nakangiti naman. Si Jethro kasi parang napakaseryoso palagi.

"Mauna na'ko senyo" tumingin ako sa relo, 2:35 na."..may class din ako ng 2:45. Thanks sa pagsabay nyo saken mag-snack ha." I stood up and walk towards the canteen exit.

Di ko maiwasang mag-isip kung anong posibleng sikreto ng mga gawapong ito sa paligid ko.

*to be continued...

My Cousin's GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon