Chapter 4 - Surprising surprise

198 4 0
                                    

Walang professor kaya babalik na sana ako sa office ng college org. Dahil madadaanan ko rin yung office ng school paper, napansin ko kagad na bukas ang pinto.

"Daanan ko kaya si Brent. Masosorpresa yun kasi ang alam nya may klase ako. Tamang-tama, nag-aaya sya kaninang mag-sine eh." Pumasok ako sa office. Ang alam ko sa likod ng divider ang table ni Brent. Sya ang Photo and Graphics Editor ng college paper namen.

May naulinigan akong nag-uusap. Ay hindi, parang nag...

"Hmmm, ang likot likot naman nyang kamay mo. Wag muna dyan. Ayy, nakikiliti ako."

Malandi yung boses na naririnig ko. Gumagana ang instinct ko. Dahan-dahan sumilip ako.

BLAGGG!!!

Ooopppps, nasagi ko yung pen holder na nakapatong sa divider.

At presto! Huli sa akto!

"Brent?!" inaasahan ko na pero bakit ba nagulat pa rin ako.

Nakakandong ang babaeng may malanding boses kay Brent. At ang kamay ni herodes? Ayun, naglalakbay sa bukas na uniporme ni talandi!!! Waahhhhhhh!

Pakiramdam ko lumaki ang ulo ko. Nahihilo ata ako. Parang umiikot lahat. Tulala pa rin ako.

Si Brent ang unang nagsalita, "Hun, I'll explain!" tumayo si herodes na ikinahulog ni talandi.

Yung gulat na nasa mukha ng dalawa, nakakatawa sana kundi lang parang pinipiga ang puso ko sa eksenang inabutan ko.

Bago pa makalapit si Brent, tumakbo na ako palabas ng office.

"Anak ng pusang gala! Bakit kasi hindi na ako nadala. Pinalagpas ko na lahat eh. Pero yung ganung kababuyan parang di ko na mate-take!!!"

Ayokong umiyak, ayoko, ayoko, ayoko!!! Pero ang mata ko, grabe, parang gripong walang panarado! Ang sakit sobra! Nth time na tong panloloko ng herodes na yun.

May nabangga ako pababa ng hagdan.

"Jillian?"

Nilagpasan ko si Jethro. Nakakahiya ang itsura ko pero mas nakakahiya ang kababuyan ng pinsan nya. Who knows kung ano pa pwede mangyari sa makati pa sa higad kong bf at sa talanding yun kung hindi ako dumating.

Tumakbo ako hanggang makarating ako sa open field.

*to be continued...

My Cousin's GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon