Chapter 12 - Sweet Revenge

158 4 0
                                    

Ayan na, ayan na ang napkatagal na update!

Peace po sa lahat ng readers.

Happy reading! (^.^)\/

+++

"Pinopormahan mo ba si Jill?" walang kaabog-abog naman tong si Brent.

"May magagalit ba kung sakali?" hindi ko alam pero hindi ko ata kayang itanggi kay Brent ang nararamdaman ko. Pagkakataon ko na rin naman ito kung sakali para tuluyan ko nang maisantabi yung pagiging magpinsan at magkabarkada namin ni Brent.

"Wala naman. Wag ka ngang defensive. Nagtatanong lang ako. Wala naman akong planong tumutol kung sakali. Isa pa mas okay na nga yun na alam kong sa mabubuting mga kamay mapupunta si Jillian." seryosong-seryoso si Brent. Kung hindi lang sa kalokohan nito sa babae iisipin kong mahal nya pa rin si Jillian.

+++

Nasobrahan ata ang lakas ng loob ko para maitanong kay Jeth ang gumugulo sa puso't isip ko.

Simula nung "grand reunion" namin sa mall, hindi na nawala sa isip ko ang sinabi ni Mike na gusto ni Jeth si Jillian.

At ang puso ko? Parang tinarakan ng kutsilyo. Pero kasalanan ko di ba? Takot akong masaktan kaya ako ang nakasakit and the irony of it, nasasaktan pa rin naman ako.

Hindi na nagsalita si Jeth at tumayo na.

Hindi ko na rin sya sinundan para kulitin. Sa nakikita ko sa kilos nya, hindi maitatangging may gusto nga sya kay Jillian. Ibinalik ko ang pansin sa binabasa kong libro. Andito kame ngayon sa library, tinatapos ang requirement ni Prof. Cabaddu.

At dahil madame-dameng reference ang kailangan, naghiwahiwalay kame ng upuan.

+++

Oras na siguro para i-close ko na ang lahat sa pagitan namin ni Brent.

Panget mang tignan pero ako na ang makikipag-ayos. It's been a month simula nung insidente sa mall. Walang nagbago sa pagitan namin ni Jeth maliban sa nararamdaman ko sa kanya.

At alam ko mutual naman ang feelings namin. I just have to settle the score between me and Brent para sa ikaliligaya ng lahat.

"Hey Brent." hindi ko alam kung nagulat sya o ano. Wala akong makitang emosyon nung lumapit ako.

"Hey. Been a while. What can I do for you?" bakit ganun, parang sya pa ang galit?

"Ah, wala naman. Naisip ko lang maybe it's about time we leave everything behind." I tried to smile pero feeling ko mas na ngiwi ang dating ng ginawa ko.

"There's nothing to leave behind. Hindi naman kayo ni Jeth di ba? So may chance pa tayong dalawa?" ano daw?!

Nakita kong palapit si Jeth. May dala etong mga libro at kitang kita ko yung galit sa mukha nya.

Bago pa ako nakakilos hatak-hatak na ni Jeth palabas ng library si Brent. Para akong natuka ng ahas sa bilis ng pangyayari.

+++

Nasa parking area na kami ng campus nung bitiwan ako ni Jethro. Dahil nagulat, hindi ako kagad nakapag-react nung hawakan ako sa braso at igiya palabas ng library. Hindi ko naman sinubukang tumanggi.

To be honest, wala sa plano yung mga sinabe ko kay Jillian. Yun nga lang, wala rin sa plano na magkakaayos kame dahil aaminin kong hindi ko pa kayang mapalapit sa kanya.

Mahal ko pa rin si Jillian.

"Ano'ng sinasabe mong pwede pa kayo? Kanina lang ipinapaubaya mo na sya saken di ba? Baliw ka ba ha?" dinuduro-duro na'ko ni Jeth pero wala akong karapatang lumaban. Kasalanan ko na lahat, ako na sisihin nyo.

"Wala nga. Comm'on, I was just teasing her." nang-aasar kong sabe.

"Well stop teasing her! Hindi ako natutuwa sa mga ginawa mo sa kanya at maaari mo pang gawin. You've done enough damage, Brent!" from the looks of it, may nasaling ako kay Jethro. And I am so very sure, in-love din sya kay Jillian.

Hindi ko man gusto nangingibabaw ang selos sa lahat ng emosyon ko, "Tandaan mong yang mga babaeng yan pare-pareho lang na paasa!"

"Well she's not! Jillian is different. Walang kinalaman si Jillian sa pinagdaanan mo sa mga babae!" it hit home. Nagdilim ang paningin ko so I punched him right on his face.

"Hindi mo pa sya girlfriend so will you stop acting like you're his boyfriend. Masyado kang feeling. Ilagay mo yang sarili mo sa lugar!" nakita kong naglapitan ang barkada samen. Malamang nasabihan sila ni Jillian sa nangyari.

+++

"Well you're mistaken dahil boyfriend ko na si Jethro. You're so stupid, so arrogant, so immature! Why don't you just get lost, brute!" narinig namin lahat ng usapan.

Paglabas nila ng library napansin kaagad sila ni Mike na tumawag sa pansin ng buong grupo. Hindi ko namalayang inakay ako ni Joey at nakasunod kame dito sa parking area.

At inis na inis talaga ako sa kahambugan nitong si Brent. Nasasaktan pa rin ako sa pagwawalang bahala nya saken pero sa ngayon, mas matimbang si Jeth.

Tumalikod si Brent at umalis ng tuluyan.

+++

Ang sakit na marinig mo sa babaeng mahal mo na may iba na sya.

Masakit na pinsan mo pa yung pinalit sayo.

Pero higit sa lahat, mas masakit dahil sarili mong kagaguhan ang pumapatay ngayon sayo.

If this is her way of revenge, then she's doing it perfectly smooth dahil ngayon pa lang, pinagsisisihan ko na ang lahat ng kawalanghiyaan ko sa kanya.

Pinagsisisihan ko na na pinakawalan ko pa sya.

*to be continued...

My Cousin's GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon