SPECIAL CHAPTER

8.8K 152 7
                                    


Note:

Special Chapter for this Story. Hahaha! Naisipan ko lang. Mamimiss ko kase ang Story na 'to. So please enjoy this nonsense chapter. Thankyou! ❤❤

-------

Steffie's POV.

Lumipas ang maraming taon, malaki na ang kambal ko. Ngayun ang unang araw ng pasukan nila Cyan at Green sa elementary school. Masaya naman ako dahil napapalaki ko naman sila ng tama at walang kulang, si Green nagmana sa pagiging strict at pagiging serious attitude ko, si Cyan naman nagmana sa kanyang ama na sa katigasan ng ulo pero cold ang expression tulad ko ren.

Narinig ko naman na parang may nagbabangayan dun sa living room, agad naman ako sumilip galing sa kusina at nakikita kong nagbabangayan ang dalawa, si Cyanelle at si Blue, nanatiling nakaupo lang sa tabi nila si Green habang nagbabasa ng books, napaka-nerdy ng anak ko pero pag nakita mong tinopak, sasakit ang ulo mo, pano pa kaya paglaki nila? Psh.

Akin na kase yan, Asul! - Sabe ni Cyanelle habang inaagaw nya kay Blue yung Psp na sobrang mahal na galing kay Red na anak nila Mae at Mark. Yup! Ano pa nga ba? Genius ang anak nila, kaya walang imposible na may pagkasalahing Jimmy Neutron si Red.

Akin kaya 'to! Bigay sakin to ni Red. Kaya bitaw na!! - Inis na sabe ni Blue at tsaka na lang ako napasinghap ng malalim sa kanila. Almost lage nandito si Blue, di maiiwasan magbangayan ang dalawang yan. Si Jean at Chad, lumuwas ng ibang bansa sa Japan pero bumabalik naman agad.  Siguro mga 3 or 4 days ang tagal nila dun sa business trip, kaya minsan diko maiwasan maawa kay Blue.

Bitaw sabe e! - Inis na sambit ni Cyanelle, mabilis naman binitawan ni Blue yung Psp at tsaka nawala sa balanse si Cyan kaya napahiga sya at nauntog sa sahig.

Waaaaaaa! - Iyak ni Cyanelle, wala naman akong nagawa kaya lumapit ako at saka pinatahan sya.

Stop arguing kids. - Sabe ko sa kanila.

Sorry Tita Yelo, but she starting it. - Sumbong ni Blue sakin. Hinilot ko naman ang sintido ko, wala naman akong kinakampihan sa kanila kase sa ugali pa lang ng dalawang 'to, parehas sila.

Tinignan ko naman si Cyanelle na ngayun naka-pout sakin, confirm sya ang nagsimula ng away, tinaasan ko naman sya ng kilay at tsaka sya yumakap sakin para lambingin ako. Tsk!

Niyakap ko naman sya at tinignan ko naman si Blue na ngayun dina nakatingin samin. Blue? Kakausapin ko sana sya kaso may biglang pumasok sa bahay at ang niluwa nun si Mae at ang anak nya na si Red na naka-salamin.

Kamusta ang buhay pagiging yaya, Princess? - Sarkastikong tanung sakin ni Mae pero pinanlisikan ko lang sya, ibaon ko kaya to sa planeta nya.

Green! - Sigaw ni Red ng makita nya yung tatlo. Si Green ang pinakamalapit kay Red, why? Kase parehas sila ng hobby at nakasalamin ren si Green.

Nilapitan nya ren eto, pero di naman sya pinansin ni Green at nagpatuloy sa pagbabasa nya ng libro, nakibasa naren ng book si Red at yung dalawang magkamukha ng ugali nagsasamaan ng tingin sa isat-isa, di kaya magkatuluyan ang dalawang 'to?

Anu na naman iniisip mo, Steff? - Singit na tanong sakin ni Mae pero diko sya pinansin at tumuloy na lang sa kusina, sinenyasan ko naman sya na sya ang bahala sa mga bata dahil mamaya, aalis naren kame pagkatapos kong magluto.

My Ice Cold Princess | ✔️Where stories live. Discover now