CHAPTER 32. Meet up.

10K 216 2
                                    

Mark's POV.

Andito ako ngayun sa dorm ni Mae.
Mag-isa na pala syang namumuhay ngayon, i mean independent sya. Kung sa bagay sa tagal ng paghahanap ko sa kanya wala sya sa parents nya pero pinanggagastusan pa naman sya nila Tita.

Pero sabe naman daw nya kaya na nyang mamuhay ng mag-isa dahil may trabaho na daw sya. Ows! Talaga?

Kase ako may trabaho ren. Model ako, binibigyan pa nga ako ng promotion na maging actor kaso tinanggihan ko muna dahil nag-aaral pa lang ako bilang isang Senior.

Andito na kame sa tapat ng pintuan ng dorm nya. Halos mapalunok naman ako kase kame lang dalawa. At wala ng iba.

Anu bang iniisip mo Mark! Bestfriend mo pinagnanasahan mo. Grabe ka talaga. Kung anung iniisip mo e!

Kaya pala kame nandito kase ipapakita nya daw yung Mario Maurer bayun? Halos si Mario na lang ang bukang bibig nya pagkasama ako. Bat ba nya binabanggit ang Mario nayun?! May Mark naman sya diba?! Tsk!

Nasa tapat na kame ng dorm nila at pumasok, Malamang! Tapos sinarado na nya yung pintuan at nilock. Halos mapalunok ulet ako. Di kaya! May pagnanasa sakin Kiy?

Bakit parang pinagpapawisan ka jan Kyle. - Tanung sakin ni Kiy.

Ha? Di kaya. - Maangmaangan ko sa kanya.

Ganun? Halika dun tayo sa kwarto ko. - Aya nya sakin. Hala.

O. Anu? Tara na! - Aya nya ulit sakin.
Di kaya...

Oy. Baka anung iniisip mo ah. Nandun kase pictures nya masyado ng polluted utak mo. Ikaw talaga! - Sabe sakin ni Kiy sabay dinuro yung ulo ko.

Aray naman. Ikaw kase e. - Paninisi ko sa kanya.

Aba. Nanisi kapa kasalanan ko bang polluted yang utak mo. - Pangdada nya sakin.

Hehe. - Tanging ko na lang sabe at kinamot ang batok ko.

Pumasok naman kame sa kwarto nyang kulay Pink -__-

Oo she loves pink. And i hate it!
Panu ba naman si Charice ganyan ren yung kulay ng kwarto nya. Kahit anung items nya puro pink. Kaya nakakasawa. Pati nga pagbili ng cake gusto puro strawberry kase nga diba. PINK!

Teka. Andito yun e. - Kiy sabay kalkal dun sa mini drawer nya.

Nakikalkal naren ako. Mahilig kase ako mangalkal ng drawer nya e. Kase may something. You know?! Hahaha!

Habang sa pagiging pakielamero ko, may nakita akong pictures..

T-teka, ako to ah?!
Bakit, may picture ako dito?

K-kiy? - Utal kong tawag kay Kiy.

Hmm? - Tanung nya.

Bat nandito ako? - Tanung ko sa kanya. Dipa ako nagmomodel sa Pilipinas. Sa Thailand at China pa lang sa pagkaka-alam ko kaya imposible mapunta dito ang pictures ko.

Kyaaaaa! - Sigaw ni Kiy tapos kinuha saken yung pictures na parang kinikilig. Kinikilig naren pala sya sa pictures ko?

Bakit? - Tanung ko sa kanya na may halong pagtataka.

E-eto kase si Mario Maurer. - Sabe nya na nahihiya.

Si Mario Maurer yan?! - Gulat kong tanung sa kanya. Tumango lang sya. Hala! Baka kuya ku yan. Imposible Hahaha!

Kahawig na kahawig mo nu? - Masayang tanung nya sakin pero may halong hiya.

E bat parang nagbublush kajan? - Pang-aasar ko sa kanya.

My Ice Cold Princess | ✔️Where stories live. Discover now