CHAPTER 12. The Black Ice Prince

11K 280 6
                                    

Christian's POV.

Kami na ang maglalaban nung leader ng Black Horizon.

Naging mas tensyon ang paligid nang kami na ang nakatayo sa ring. Nakatingin lang kami sa isat-isa nung lalaki at nakita ko pa itong nakangisi dahilan para ipagkrus ko ang mga kamay ko at nginitian sya ng bahagya.

Prepare for your life if you want to live, Black Ice. - Panghahamon sa akin nung leader habang nakangisi.

Tss, as if naman matatakot ako sa kanya. Mas nakakatakot pa nga yung mukha nya kesa sa mga binabanggit nyang mga salita eh.

Binigyan ko lang sya ng isang ngisi na labis ikapikon nya iyon.

If you can beat me. - I said in a cold way.

Wala pang isang minuto ay gumalaw na sya at medyo nagulat ako ng sipain nya agad ako sa bandang bewang ko pero hindi ko pinahalata ang ekspresyon ko. Mabuti na lang at nakailag ako agad.

You're good Ice Prince. - Sabe nya at ngumisi sakin.

Ikaw din. . - Sabe ko at ngumisi ren sa kanya. Mukhang magandang laban ang magaganap ngayon.

Anyway, kanina pa tayo nag-uusap. Anu nga pala pangalan mo? - Dagdag ko. E sa hindi ko alam e.

I'm Spade - Pakilala nya sa akin.

Okay, well let's finish this. Shall we?  - Pangyaya ko sa kanya.

Osige ba! - Sabe nya at tsaka sinugod ako.

Suntok, ilag, tadyak, sipa, talon. Ayan lamang ang kanyang pangbanat sa akin.

Nakakasawa na and i think pagod na sya, parang 30 minutes naren kasi sya umaatake sa akin, pero ako bitin lang sumuntok at puro lang ako ilag.

Go PRINCE! 

Ipanalo mo yan. May kiss ka sa akin later!

GO PRINCE KO! 

DATE TAYO AFTER THAT! 

Ano bang mga pinagsasabe nun? Mas nakakainis pa sila kesa kay Spade e. Ang ingay para namang napaka easy to get ko sa kanila.

Tinignan ko na ulit si Spade, nakita ko namang hingal na hingal sya at maraming tumutulong pawis sa kanyang katawan . Wow! Ang hot naman nya. 

Now, pare ako naman. - Sabe ko and i smirk at him.

Sinipa ko yung bandang bewang nya para ma-out of balance sya pero hindi sya natinag dahil nalaban nya ang pagkasipa ko, malakas sya. Tignan lang natin.

Sinimulan ko naman syang ngisian at sinuntok ko yung sikmura nya kaya naman napabuga sya ng dugo dahil sa lakas ng suntok ko.

Nang makita ko yung dugo ay halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko mukhang nagdidilim ang paningin ko.

Isa lang gusto kong gawin ngayon...

I want to kill him right now.

Richard's POV.

Shit, this is bad! Ito na nga ba ang ipinangangamba ko e, may nakitang dugo si Prince. Aysh! Baka mapatay nya si Spade bawal pa naman sa rules ng G-World ang pagpatay dahil ito ay laban-laban lang walang personalan.

In short it's just a game.

But this time kinakabahan ako.

Fuck, dude. Si Ice - Alalang sabe ni Ace. Nakikita naman naming na binubugbog ni Chan si Spade.

This is not good. - Sabi ni Mark habang napapailing. Mas lalo kaming kinakabahan sa mga oras na ito, kawawa na si Spade.

Tinaas ko naman ang kamay ko, as a sign na itigil ang laban at saka naman sumenyas rin ang referee para sabihin na itigil ang laban. Parang katulad rin sa basketball kailangan ng timeout.

Nang malaman namin na pwede na kaming umenter sa ring ay mabilis kaming lumapit  kay Chan. Tuloy parin sya ng tuloy sa pagbubugbog kay Spade, nakakatakot ang aura nya.

Ice, Stop it! - Pagpipigil ko sa kanya. He just gave me a death glare at mas nagulat pa ako ng ngitian nya ako, ang ngiting nakakapangilabot na ayaw kong makita kahit na isang beses, isang ngiti na gustong pumatay ng tao, ang ngiti ng isang demonyo.

Napaatras naman kaming tatlo dahil sa binitaw nyang ekspresyon maski si Spade ay nagulat sa ekspresyon nito lalo pa kaya sa mga manunuod. Hindi nagtagal ay di sya natinag at patuloy parin sya sa pag bubogbog. Naaawa na ako para kay Spade, halos hindi na maipinta ang itsura nya.

Di naman sya mapipigilan ng guard dahil ultimong mga guard dito ay takot sa amin lalo na sa kanya, kaya walang kaming choice na kami ang pumigil sa kanya.

Tsk, wala akong maisip na gawin kundi yon lang. Effective kaya yon? No choice kailangan e, kaya naman kailangan ko tong gawin.

Mabilis ko naman hinablot ang balikat ni Chan para humarap sya sa akin at tsaka ko sya sinapak ng malakas para maitigil ang ginagawa nya.

Akala ko okay na pero nabigo ako, malakas ang pagkakasuntok ko at sinadya ko iyon pero mukhang wala lang sa kanya iyon. Shit!

Para naman akong nangilabot ng tinignan nya ako ng masama. This is bad, wala sya sa sarili nya.

Lagi syang ganito sa twing nakakakita sya ng dugo.

Shit! Prince wag! - Pigil ni Ace na ultimong nakatingin sa akin ng diretso at napakalamig.

Sasapakin sana ako ni Chan kaso bigla syang natumba. Nagulat naman ako sa mabilis na pangyayari.

What's happening?

Tinignan ko nakahiga si Prince sa sahig na natutulog? Sino nagpatulog dito?

Nakuha naman ng atensyon ko yung babaeng  nasa harapan ko. She is so damn gorgeous, but her eyes. Blue ang mga mata nya parang lense pero parang nakita ko na yung ganyang mata.

Pinatulog ko na sya - Sabe nung babae. Parang nanlamig naman ako sa boses nya, parang kilala ko talaga to e.

Lumapit naman yung dalawang babae na nasa pagkakaalam ko ay kasamahan nya ito, kasama na doon yung babae nakanakaw ng atensyon ko habang lumalaban ako, yung naka-maroon na leather jacket. Maganda rin sya sa malapitan.

Dub. Dub. Dub. Dub.

My fucking heart! Argh.

Ice, bakit ka pumunta dito? - Yung babaeng naka-maroon. I-ice rin pangalan nya?

Uhm, excuse me. Sino kayo? - And i ask them finally!

Tsk, none of your business, chick. - Yung Ice daw. Chick?! Anu ako sisiw?

Were Black Royalties  - Masayang sabe nung naka-maroon.

Sige, we have to go. - Yung isa pang kasama nila at tsaka nila kinaladkad yung Ice. Yung kaladkad na hindi sya gumagalaw maski paa nya para lang syang hinihila pero naka-pokerface. Hahaha. Ang cute.

Pero may gusto lang akong tanungin.

Hey! Yung naka black leather jacket, You're name? - Pigil ko sa kanila kaya huminto naman sila. Nacucurious ako sa babaeng to.

I'm Ice Cold Princess. You have a problem with that? - Cold nyang sagot, matapos noon ay umalis na sila habang kinakaladkad na naman sya nung dalawa. Grabe napaka-misteryo ng babaeng iyon.

Oo nga pala si Prince. Ibinaling ko naman ang mga mata ko sa kanya at nakita ko na lang syang tulog. Tuwang tuwa siguro to, kase natupad na wish nyang matulog. Hahaha!

Ihahatid ko na lang to sa mansion nya. Pano kaya napatulog nun si Prince nang hindi ko nalalaman? Napaka-bilis nya mukhang mas mabilis pa sya sa akin.

My Ice Cold Princess | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon