8. She will be Loved.

41 1 3
                                    


Leonard's POV

"ano L? nakahanap ka ng kanta para sa opening ng foundation day?" tanong sa akin ni Grae.

Nandito kami sa classroom at nag-iisip ng dapat gawin, free cut kasi namin dahil sa Monday start na ng foundation day, so busy na ang kanya-kanyang clubs para gumawa ng sariling booth, ako naman, inutusan nanaman ni katigbak na kumanta sa night party, hindi ko alam kung anong kakantahin ko, lalo na ngayon walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi si Jera, hindi ko alam kung bakit, her attitude, her poems, her family, everything about her.

"SHE WILL BE LOVED! YEAH!" sabi ni Kero.

"SHE WILL BE LOVED! TAMA!" sabi ko with a big smile plastered on my face. Since si Jera lang naman ang iniisip ko mag-damag, might as well sing a song for her.

"Yun kakantahin mo pare?" tanong ni Justine.

"okay lang ba?" tanong ko.

"anong okay? Okay na okay pare! Ang ganda kaya non tapos kamukha ko pa si Adam Levine!" sabi ni Kero.

"gago ibang Adam yung kilala mo" sabi ni Grae.

"ee sinong Adam?"

"si Adam, yung sa Adam's family!" sabi ni Grae. Tapos tumawa naman si Justine, nag-apir pa sila, nakita ko namang nag-make face si Kero.

Wala akong ginawa buong maghapon kung hindi ang mag-practice lang, I really want to sing this for her, para naman malaman niya na she is loved, because just meeting her mom, alam kong mahal na mahal nila si Jera, ang mali lang sa kanya, she pities herself so much na hindi niya na napapansin na sobrang daming tao na nagmamahal sa kanya, siguro kailanan niya lang marinig iyon, galing sa ibang tao para marealize niya.

Monday approached real quick, madaming programs sa umaga at games, samantalang ako, andito lang sa classroom nag-papractice, si Grae may larong Football, si Justine naman bantay sa booth habang si Kero basketball naman. I was looking at the people who were passing by sa classroom namin, at nakita ko si Jera na dumaan, agad akong napatayo at hinabol siya, nakita ko namang umupo siya sa may bintana ng room nila at nagsaksak ng earphones sa tenga. Lumapit ako sa kanya.

Agad niyang inangat ang ulo niya at tinignan ako. "What?"

I smiled at her. "punta ka mamaya sa night party?"

She made a face. "hindi ko pa alam... and what do you care ba?"

"pumunta ka"

She rolled her eyes at me. "is that an order?" she looked at me from head to toe, at tumawa siya. "You don't look like my dad naman, because he looks way better than you" she smirked. "sino ka para sundin ko?"

Ngumiti lang ako. "basta dapat makita kita doon" tumakbo na ko palayo sa kanya, pero narinig ko siyang sumigaw ng HINDI AKO PUPUNTA.

Mabilis namang umikot ang araw, it was time for my performance, nandito pa ko sa back stage and I was looking kung na saan siya, pero hindi ko makita.

"Pre, ikaw na, may hinahanap ka ba?" tanong ni Grae.

"Si Jera" sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Jera? As in Augustine?"

Tumango lang ako.

"Everyone! You've been waiting for this! Our very own vice president, Leonard Santosidad, is going to serenade us let's hear it Ramirenians!"

The Forgotten Love StoryWhere stories live. Discover now