When I Met You Chapter 3.2

4.7K 118 21
                                    


When I Met You 3.2

LUKE

What the hell did I just do!? Nag-uumpisa ka na naman magpakatanga, Luke. Nangyari na 'to noon, hindi ka pa ba nadadala? Ano pang in-expect kong makita ko? Depressed siya? Umiiyak!? Na puno ng guilt sa ginawa niya sa 'kin? Sira! Nakalimutan mo na bang si Denks siya?Mas matibay pa siya kaysa sa 'yo, lalo na sa ganitong usapan.

"What is that?"

Napahinto ako sa paglalakad nang bigla akong matauhan na kasama ko pa nga pala si Florida. Heck. I nearly forgot her. Inihinto ko ang sasakyan nang mag-red ang stop light. Diretso lang din ang tingin ko kahit nang mag-umpisa na 'kong magsalita.

"Sorry. I think mas maganda kung magpahinga na muna tayo," I said, trying to act cool.

"Yeah... You need it."

Tumingin ako sa kaniya pero inalis ko rin ito kaagad nang mag-green na ang stop light. Itinuloy niya ang pagsasalita habang nagmamaneho ako.

"That was a cheap shot, Luke." I heard her smirk.

"Ano'ng sinasabi mo?"

"Really?"

Nakarating kami sa hotel na tutuluyan niya nang hindi nagkikibuan habang nasa daan. I did not even dare to play some music to cut the awkwardness dahil wala rin ako sa mood makinig ng music, and I believe she's thinking the same thing.

Sinamahan ko siya hanggang sa makapag-check in siya sa lobby concierge. Nang sasamahan ko na sana siya para ihatid sa kuwarto niya, huminto siya pagkarating sa tapat ng elevator at saka tumingin sa'kin. There's no emotion in her face pero alam kong maraming tumatakbo sa utak niya. Lalo na sa ginawa ko kanina. Tama siya, that was a cheap shot.

"Sorry," sabay naming sinabi. Napangiti rin kami parehas pero alam kong hindi dahil masaya kami.

Nauna siyang magsalita kaysa sa'kin. "Sorry, Luke. I know...this is hard for you." Huminto siya saglit na para bang tinitimbang muna ang mga salitang sasabihin niya sa'kin. "I wish I can simply change anything. I wish... I could."

Habang sinasabi niya 'yun, iba't ibang emosyon ang nakita ko sa mga mata niya. Guilt? Sadness? Para sa'kin? Para sa kaniya...?

"Ako dapat ang mag-sorry. You've been dragged with this."

"No, it's okay—I mean..." Umiwas siya ng tingin sa'kin sandali pero ibinalik niya rin 'to kaagad. "I mean, it's my honor to be your fiance. Ibig kong sabihin—. Gosh, I'm blabbering nonsense right now. Sorry."

"Wala ka dapat ihingi ng sorry. Truth is...you deserve my gratitude for staying at my side - for not leaving me."

Matipid siyang ngumiti at saka tumango. Marahan niya 'kong hinawakan sa kanang braso at saka pumasok na sa elevator nang magbukas 'to. Nakita ko siyang ngumiti bago nagsara ng tuluyan ang elevator. Napabuntong-hininga naman ako pagkatapos. Ano bang ginagawa ko?!

Naglakad ako palabas ng hotel ng mag-text si Rocky.

TEXT MESSAGE RECEIVE FROM ROCKY

: Pre, san k? May time kp b? Tara muna. Hanap k ng tropa.

Sinabi kong pauwi na 'ko ng bahay dahil masama ang pakiradam ko, kahit na alam ko namang hindi maniniwala ang mga 'yon. At least, may bago na sa bokabularyo ko ngayon bukod sa late... Absent.

******************

DENKS

Bad trip! Bad trip! Bwiset! Nakakainis! Panira ng araw!

When I Met You... (Luke Sandoval Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon