When I Met You: Chapter 2.2

7.7K 190 18
                                    

When I Met You: Chapter 2.2

 

Natapos ang aming performance na puno ng palakpakan sa buong restobar. Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila. Pero sa sarili ko, nasasaktan ako kasi wala siya. Sayang…

Bumaba kami ng stage.

Dumiretso ako sa back stage habang ang iba naman ay naki-join sa mga customers. Wala pa ‘ko sa mood kaya ditto na muna ako siguro. Magpapalipas muna ‘ko ng ilang minuto.

Napatingin ako sa pintuan nang may marinig akong kumatok. Mayamaya, sumilip si Boss Rocky. Napatayo naman ako,  at saka siya pumasok ng tuluyan.

“Boss,” tawag ko.

Lumapit siya sa’kin at saka may inabot na cellphone.

“May nambubwiset sa’king fan mo, kanina pa e. Sa’yo muna ‘yan.” Sabay talikod ni Boss.

“Teka po—” Huminto naman siya at saka lumingon sa’kin. “S-Sinong fan?”

“Gwapo ‘yan, tsaka single. Hindi ko nirereto ‘yan, baka naman sabihin mo… Hahaha! Pero…hintayin mo lang – tatawag ‘yan.”

Tuluyan nan gang lumabas si Boss Rocky. Umupo naman ako sa sofa at saka tinitigan ang phone na inabot sa’kin. Fan? Gwapo at single…? Biglang tumunog at nag-vibrate ang phone.

Handsome Single Fan Incoming Video Call…

Video call? Sinagot ko naman pagkatapos ng tatlong ring.

Pagka-accept ko, ang nakita ko lang ay parang top view ng mga buildings. Teka…bakit umaga pa ditto sa video call?

DENKS: Hello? He-llo?

Hindi naman sumasagot. Nakakaloko, ah?

DENKS: Bababa ko na—

LUKE: Wala ako d’yan pero napanuod kita.

Napaalis ako sa pagkakasandal ko pagkarinig sa boses niya.

DENKS: L-Luke?

Bigla niyang hinarap ang camera sa kanya. Nakita ko siyang naka-Aviator na shades at nakasuot ng white long sleeves polo na bukas ang dalawang butoness mula sa itaas.

LUKE: May iba pa bang single at gwapong number one fan mo?

Sabay ngiti niya.

DENK: ‘Yung totoo?

LUKE: Oo nga—

DENKS: BAKIT HINDI KA PUMUNTA!!!!!?

LUKE: Iyong totoo? Lakas ng boses mo.

DENKS: Ewan ko sa’yo. Bye na!

LUKE: TEKA! Adik ka?

DENKS: Ako pa ang adik!? Baka ikaw!

LUKE: Oo, adik sa’yo?

DENKS: Ano raw?

LUKE: H’wag mo na pigilan ngumiti. Nakikita ko oh. Ayan oh…ngumingiti ka, pinipigilan mo.

DENKS: Ewan ko sa’yo.

LUKE: Ahaha! Asar-talo.

Bigla kaming tumahimik at nagkatitigan lang.

LUKE: Pero seryoso, napanuod kita. Sorry…

DENKS: So para saan?

Pagpapatay malisya ko.

When I Met You... (Luke Sandoval Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon