When I Met You Chapter 3.1

12.8K 290 105
                                    

(NOTE: If magkataong dikit-dikit ang mga paragraphs, sorry! Wattpad fault 'yun. I'll try na maayos, as soon as possible. For now, enjoy!)

When I Met You Chapter 3.1

Para akong lumulutang habang naglalakad sa lugar na hindi pamilyar. Para bang pumasok ako sa isang mundo na hindi ako kabilang. Kasabay ko si Miss Florida habang naglalakad papasok ng isang napakaganda at napakalaking hotel na may pangalangan Villa Magna.

Kung kahapon ay na-conscious na 'ko sa itsura ko nang dalhin ako ni Luke sa napakagandang restaurant, ano pa ngayon? Nilalamon na ata ako ng insecurities ko sa katawan. Unti-unting nagsi-sink in sa utak ko na lumalakad ako sa mundo ni Luke.

Pinagmamasdan ko si Miss Florida habang nasa likod niya 'ko.

Kung kumilos siya ay para bang lagi na siyang napupunta sa mga ganitong lugar. At ewan ko ba? Parang nakakaramdam ako ng inis dahil sa katotohanang isang malaking first time ang pagpunta ko sa ganitong lugar.

Sumakay kami sa elevator at halos hindi ako nakahinga nang makasabay ko ang mga tao rito.

Sari-saring amoy ng pabango na masasabi mong "amoy mayaman," pero nakakasulasok dahil halu-halo na sa ilong ko ang amoy nila. Napangisi nga 'ko at bahagyang napatingin sila sa direksyon ko. Ngumiti naman ako sa direksyon nila sabay iwas ng tingin.

Hindi ko na sigurado anong floor kami lumabas ni Miss Florida.

Sumusunod lang ako kung saan man dalhin ang mga paa niya.

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang two door room na may nakalagy sa labas na Real Suite Room.

Pinindut ni Miss Florida ang doorbell, pero nakita ko na lang na nabuksan niya ang pintuan mayamaya. Sumunod ako sa kanya nang pumasok na siya sa loob.

Kailangan kong takpan ang bibig ko dahil kung hindi? Maririnig ng kahit sinong nasa loo bang pagsinghap ko sa ganda ng loob ng kwarto. Mas malaki pa nga ata 'to sa bahay namin.

Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapahinto ako sa pagtingin sa paligid nang marinig kong magsalita si Miss Florida.

"You can wait here, Denks. Tatawagin ko lang si Madame." At saka siya ngumiti.

Tumango naman ako at saka sinunod ang sabi niya. Hindi pa rin ako mapatigil sa paglibot ng tingin ko sa buong kwarto... Hindi, hindi lang 'to kwarto na may kama... Buong bahay na 'to e!?

"Grabe..." mahinang sabi ko sa sarili ko.

Sasandal pa lang sana ako sa sofa na mas malambot pa sa'king kama nang marinig kong magsalita ang isang boses ng babae.

"Good morning, Miss Salvosa."

Hindi ko alam ang dahilan pero bigla na lang akong napatayo pagkakita ko sa isang babaeng nasa eada singkwenta pataas na, mapustura ang damit, at sa itsura ng tindig e masasabi kong authoritative din siya.

"Good morning po."

Sumagot ako kahit hindi ako sigurado kung siya ba ang gustong makipagkita sa'kin, ang Mama ni Luke.

"I'm so sorry for an urgent invitation. I hope you don't mind."

"Ah, hindi naman po. Wala pong kaso 'yun."

Napatingin ako kay Miss Florida na napaiwas ng tingin pagkalingon ko sa kanya. Tahimik lang siya sa tabi ni Mrs. Sandoval, kung tama nga ang kutob kong siya na 'to.

"You can leave us, Florida, hija. I'll call you when we're done talking."

"Okay po."

Habang papalabas si Miss Florida, unti-unti ng namuo ang kabog ng dibdib ko. Pagkasabi pa lang kasi ng babaeng nasa harapan ko na mag-uusap kami, sari-sari ng topic ang pumasok sa utak ko. Tungkol ba 'to sa sinabi rin ni Miss Florida sa'kin kahapon?

When I Met You... (Luke Sandoval Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon