When I Met You (Chapter 1.2)

9.4K 242 19
                                    

 (P.S. Saka ko na aayusin ang mga erorrs. ;) Paalis na me e haha. Happy Reading!)

When I Met You (Chapter 1.2)

“Okay! Nice job, guys. Bukas ulit.”

“Thanks, Boss!”

Narinig kong paalaman nila bago sila lumabas nitong restobar sa harapan ko. Nandito ako ngayon at nakatayo malapit sa sasakyan ko. Lumabas ako ng ‘di ko na magusuhan ang datingan sa loob.

Masyadong mausok dahil sa sigarilyo. Isa kasi ‘yan sa mga ayaw ko. Actually ng buong team. Sabi nga ni Adrian, kung liver lover kami… Lungs at heart lover din.

Napatingin sa’kin ‘yung grupo nila Denka. Kung anong ngiti ng iba, siya namang simangot nitong babaeng ‘to. Kung sabagay… Pinayagan naman niya ‘kong mag-stay. Sigurado…hindi naman galit ‘yan.

Ah, meron pa pala.

May isa pa nga pala silang ka-banda na hindi ko kasundo simula nung nasa Maynila pa sila. Si Paulo… Ewan ko lang a. Parang binabakuran ‘tong si Denks.

“Oh, Sir Luke! Balak mo ba kaming bigyan ng ride pauwi?” pasakalye ni Daryll.

Pinalo ko naman ang bubungan ng sasakyan ko sabay sabing “O, game. Tara! Full tank ata ‘to.” Nakita kong umismik si Denks. “Tara, sakay.”

Isa-isa silang nagsipasukan. Nagpunta sa backseat itong si Denka . Trip niya e. Katabi niya ‘yung si Paulo.

Lumipas ang ilang minuto at naibaba ko na rin sa kanikanilang mga bahay ang grupo nila. Buti na lang layas kami ni Baste noon at kabisado ko pa ‘tong Laguna.

Kaso kanina nalagpasan naming ‘yung bahay ni Denks. Tsk, tsk, tsk.

Syempre nilagpas ko.

Para makapag-usap kami ng kaming dalawa lang. Hindi ako kumbinsido sa naging pag-uusap namin kanina. Ang layo ng pinanggalingan ko tapos…bilbil—este! Bubulyawan niya lang ako?

Eto, kahihinto lang namin sa bahay nitong si Paulo.

“Sige, bukas na lang,” sabi si Denks.

“Ayos ka lang d’yan?” narinig kong tanong ni Paulo.

“Oo naman.”

Ang sama naman ng tingin nitong lalaking ‘to sa’kin. Ano ako, rapist? At ‘di mo maiiwan si Denks sa’kin!? Nakakaloko e.

Pumasok na ulit si Denks sa sasakyan saka pumasok sa loob ng apartment nila si Paulo. Nilingon ko naman sa likurang sasakyan itong isang ‘to.

“Balak mo ba ‘kong gawing driver?” tanong ko.

Nagbuntong-hininga lang siya saka lumipat sa harapan. Nak nang! ‘Di man lang lumabas ng sasakyan para lumipat. Napakababae talaga ng babaeng ‘to.

Tumingin siya sa’kin. “Oh? Okay na?!” sabay sukbit ng headphones niya.

“Okay… fine.”

Saka ako nagmaneho.

Nakapikit siya habang nasa daan kami. Hindi ako sigurado kung may pinakikinggan talaga siya o wala. Bahala siya. Mga babae talaga… Kung hindi pakipot, masungit. Kung hindi masungit, meron.

“Gusto mo bang kumain?” salita ko.

“Ayoko,” sagot niya.

Napatingin ako sa kanya sabay ngiti ko. Inangat ko ‘yung kabilang dulo ng headset niya sabay sabing…

When I Met You... (Luke Sandoval Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon