Volume 1 • Chapter 9

5.5K 145 3
                                    

3 Kings

Monique's POV

Tatlong araw na kami dito sa mansion nila Babrie at patuloy pa rin ang pagiging weird ng mga tao dito.

Flashback

Habang lahat ng kaibigan ko ay naglilibot-libot sa lugar ako naman ay ganoon din yun nga lang wala akong kasama.

Habang ako ay naglalakad mag nakasalubong ako sa daan na matandang babae na hirap yatang tumawid ng kalsada at agad-agad ko itong nilapitan.

"Lola tara po tulungan ko na kayo" alok ko sa matanda at tumango naman ito.

Medyo hirap na siyang maglakad at mabagal ang kanyang kilos kaya dapat hindi siya pinapabayaan.

"Salamat apo" masayang sabi ng matanda.

"Walang ano man po. Ay, nga po pala bakit kayo mag isa? Wala po ba kayong kasama o kahit sinong tutulong sainyo?" Sunod-sunod kong tanong sa matanda. Nakakaawa kasi eh.

Yung weakness ko talaga kapag may nahihirapang tao lalo na kung mantandang kagaya pa ni Lola.

"Nako apo hindi na mahalaga iyon. Ah apo ito para kabutihan na pagtulong saakin" May ibinigay saakin si lola na isang garapon na may lamang cherry.

Eh? Hindi naman ako mahilig diyan at hindi ako kumakain niyan at ito yung pinaka ayaw ko na prutas.

"Nako po wag na po! Sainyo na lang po yan at mukhang mas kailangan ninyo para may makain kayo kapag nag lalakad kayo" pag-tanggi ko.

"Apo! Hindi itong pangkaraniwang prutas lamang, itong prutas na ito ay ang daan para makalabas kayo ng mga kaibigan mo sa islang ito" paliwanag ni lola

"A-ano po? Hindi ko po maintindihan ang inyong ibig sabihin" nagtatakang tanong ko.

"Sige na apo mauuna na ako at salamat sa pa-cherry niyo po" at nagsimula na siyang maglakad palayo. Muli kong tinignan ang garapon mukhang kakaiba nga ito.

Kung ibalik ko na lang kaya ito? Mukhang nangloloko lang naman si lola para tanggapin ko lang ito.

Tama! Tama ibabalik ko na lang ito. Tumingin ako sa direksion na kaninang patutunguhan ni lola pero wala na siya doon mukhang nakalayo na ito.

"Tss pabayaan mo na nga matago na lang sa kwarto" at nag simula na akong maglakad pabalik sa kwarto ko.

End of Flashback

See? Ang weird diba? Hanggang ngayon pa rin nacu-curious pa rin ako kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni lola. Nagulat naman ako ng biglang bumukas yung pinto.

"Monique pinapatawag pala kayo ni Mother Luciana" sabi ni Barbie na seryoso ang mukha.

"O-okay bakit daw?" Tanong ko sakanya pero inisnob niya lang ako at umalis. Ano meron? Nag aattitude nanaman 'tong si Barbie?

Pumunta na lang ako kung saan ko palaging nakikitang nakatambay si Mother Luciana at nandoon nga siya.

"Bakit po?" Tanong ko at nakita ko sila Samantha, Paula, Aira,Jacob at Matthew na nakaupo sa mahabang sofa at sumunod naman ako.

"At mga iha at iho ngayon at kumpleto na kayo. Aalis tayo ngayon at pupunta tayo sa Palasyo ng 3 Kings"

"3 Kings?" Sabay sabay naming tanong.

"Oo 3 Kings pero next time ko na lang ipapaliwanag sainyo kung ano man iyon" sabi naman ni Mother Luciana

Tumayo na kami sa sofa at nagsimulang lumakad palabas ng mansion. May isang Limousine na nakaparada sa labas at mukhang doon kami sasakay at tama nga ako. Sosyal ah kabog ang kotse ng lola niyo.

"Omg! Ang ganda sa loob" bulong ni Aira at mukhang excite na excite.

"Mga hunk and yummy kaya yung 3 kings na iyon?" Tanong saakin ni Aira.

"Kumikerengkeng ka nanaman Aira. Wag mo kami idamay, itulog mo yan" pambabara sakaniya naman ni Paula.

First time ko lang makasakay sa ganitong high end na sasakyan. Dahil sa aming magkakaibigan kami lang ang may kaya at the rest ay mayayaman na at may mga sari-sariling company.

Pinapakita ko sa kanila na parang wala lang saakin ang pagsakay dito pero sa loob loob ko para akong tangang nag iignorante sa bawat detalye ng sasakyan na 'to.

Oh, poor Monique.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now