Volume 1 • Chapter 23

3.5K 81 6
                                    

Death Maze

Samantha's POV

"Nakahanda naba ang lahat?" Tanong ni Asher sa mga kawal. Ngayon na kami susugod sa teritoryo ni Chelsea at alam naming wala silang kaalam-alam sa aming pag sugod.

"Opo, kamahalan" sagot naman ng mga kawal. Halos isang linggo silang nag-handa sa aming pag-sogod at siyempre kami rin. Kailangan naming mabawi si Matthew na hindi ko na masyadong inalala sa nagdaang araw.

"Mabuti naman, ikaw Samantha handa na ba kayo ng inyong mga kaibigan sa ating pag-sugod?" Baling naman saamin ni Asher. Kinakabahan ako, natatakot at nag-aalangan.

"H-hehe oo handa na kami" nahihiyang sabi ko at siniko ko si Aira para sumang-ayon.

"Ahh oo handa na nga kami" Aira.

"Kung ganoon mabuti naman" at nginitian niya ako ng malapad.

"OMG! Ngumiti siya sayo girl!" Kinikilig na sabi saakin ni Aira with matching hampas pa.

"Ugh! Shut up Aira" at nag walk out na lang ako. Pero ang pogi niya ngumiti at— ano ba yan Samantha diba may gusto ka kay Matthew at kailangan kong sumali sa revenge 101 nila para maligtas ko Matthew ok?

---

Chelsea's PoV

"Hindi ba nila iniisip na may kapangyarihan rin ako whahaha! Nagplaplano palang sila, kumikilos na ako" sigaw ko sa aking kwarto. Hmmm.. Maganda rin para madala sila at—sakto may inihanda akong malaking pasabog na kanilang ikakagulat.

"Kung ano mang iyan pinaplano mo itigil mo na iyan hindi ka lang magtatagumpay" nagulat ako ng biglang nagsalita si Matthew sa likod ko.

"Subukan mo lang ako pag-taksilan hindi ako magdadalawang isip na kitilin ang buhay mo" pagbabanta ko sakanya. Walang kahit sino man ang maging sagabal sa aking plano at kahit sino pa siya hindi niya ako matatalo.

--
3rd Person PoV

Binagtas na nila King Asher ang kagubatan at kasama ang mga kawal. Walang takot silang naglakad sa delikado at nakakatakot na gubat para lang makapunta sa kaharian ni Chelsea na ngayon ay inihahanda ang malaking pasabog niya sa lahat.

Walang tigil sa paglakad na tila'y hinahabol sila sa bilis ng kanilang paglalakad. Nagulat ang lahat ng may biglang isang kawal na bumagsak at may tama ng pana sa dibdib na agad na nawalan ng buhay. Naalarma ang lahat sa pag-papakawala ng mga pana at isa isa na silang bumagsak.

"Whaha akala niyo ba ay maiisahan niyo ako? nagkakamali kayo dahil mas matalino ako sainyo" isang boses na nakakabingi pero kilala ang boses na iyon kung sino ang nagmamay-ari non.

"Siguro bago ko kayo patayin isa isa paglalaruan ko muna kayo para may thrill man lang" at sa isang iglap napunta sila sa isang napaka lawag na kapatagan at may matataas na pader at parang nasa isang maze.

"Siguro alam niyo na kung anong mangyayari sainyo kapag napunta kayo sa dead end. Bawat may namamatay nagbabago ang mga pader na iyan at kung sino ang makalabas sa maze na iyan ay may pagkakataong makalaban ako whahaha" sabi ni Chelsea na parang nawala na sa tamang pag iisip at tuluyan na siyang naglaho at kaagad na silang kumilos.

Wala pang limang minuto nakaramdam na sila ng pag yanig ng lupa na ang ibig sabihin ay may pagbabagong nagaganap sa maze.

--
Jacob's PoV

Binabaybay ko ang makipot at madilim na pasilyo nang makaramdam ako ng matigas at malamig na pader. Nakaramdam ako ng panlalamig at unti unti na akong kinilabutan. Mukhang katapusan ko na at wala na akong magagawa pa. Sinubukan kong balikan ang mga dinaan ko pero puro pader na lang ang nakikita ko.

"Ano bang kamatayan ang hahantungan ko?" Sigaw ko na umalingaw-ngaw sa buong lugar.

"Simple lang gigilingin lang kita at ipapakain sa mga alaga kong mga hayop" sagot ni Chelsea.

"Gago ka! Mamamatay ka rin at masusunog ka sa impyerno!" Lakas loob kong sabi at nagbago na ang inaapakan kong lupa at napuno ito ng matatalim na kutsilyo at blade na umiikot.

Dahan dahan akong kinain ng lupa at nakaramdam ng hapdi at unti unting nanghina hanggang sa tuluyan ng nawalan ng malay.

"I love you, Barbie kahit alam kong nagbago ka pero " at ayun nalang ang huling salita na lumabas sa bibig ko bago ako maubusan ng hininga.

--
Monique's POV

Wala pang ilang minuto ay ulit akong nakaramdam ng pagbabago ng mga pader. At mukhang walang makakaligtas saamin dito may aaminin na ako na dapat nipang malaman.

Matagal na akong may lihim na pagtingin kay Matthew pero kahit kailanman hindi niya ako napansin gaya ng pakikitungo niya kay Samantha. Nagseselos ako kapag masaya at magkasama sila.

One day nga naki-usap ako kay Barbie dahil alam ko na may masama silang balak saamin kaya binlack mail ko siya na hindi ko sasabihin kila Samantha na may balak silang masama kaya ang sabi ko paglayuin nila si Samantha at Matthew then ibigay saakin si Matthew at magpapakalayo kami at hindi na kami magpapakita pang muli pero hindi nila tinupad iyon kinuha nila si Matthew bilang bihag.

Nagsisisi na ako dahil naging taksil ako sa mga kaibigan ko kaya ngayon oras na para bumawi. Paula kung nasaan ka man gabayan mo sila Samantha, Aira, Jacob at Matthew.

Napatigil ako sa aking paglalakad ng nakaramdam ako ng paghirap sa paghinga. Mayroon akong hika kaya mamamatay na ako sa sakit kong ito dahil walang kahit sino ang makakatulong saakin at wala rin akong dalang inhaler. Siguro okay na rin saakin ang mamatay dahil nagkaroon ako ng malaking kasalanan sa aking nga kaibigan. Wala ganyan talaga ang buhay ang lahat ng kasalanan mo kailangan mong pagbayaran at pagsisihan. Ginusto ko yan edi panindigan ko na ito.

Habang tumatagal lalong humihirap ang paghinga ko hanggang tuluyan na akong nawalan ng malay. Sana mapatawad niyo ako Samantha at Matthew tutulungan ko kayong makalabas sa impyernong ito at magiging payapa at masaya kayong mamuhay sa normal na buhay. Salamat dahil naging  parte kayo ng buhay ko hindi man tayo naka graduate, sisiguraduhin ko na kayong apat ang makakagraduate.

Magbabalik ako Chelsea at Barbie at sisiguraduhin kong magsisisi kayo sa mga nagawa niyong kasamaan.


The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now