Volume 1 • Chapter 14

4.9K 118 6
                                    

Planning

Samantha's PoV

Kinabukasan.

"Sam! Wake up! Ano na ang plano natin?" Sigaw ni Paula habang niyuyug-yug niya ako.

Nahihilo pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pinaplano nila at nagiisip rin ako kung paano kami makakalabas dito.

"Mamaya na Pau inaantok pa ako" sabi ko at nag taklob ng kumot. Pero hinila naman niya ito at hinagis sa lapag.

"Anong mamaya? alas-dose imedya na" napatayo ako bigla ng nalaman kong 12 na pala pero parang feeling ko 6 palang ng umaga.

Pagkatapos ko mag hilamos at mag almusal hindi talaga ako tinigilan ni Paula sa kakatanong.

"Alam mo Paula. Hindi ako makakapag isip ng maayos kung tanong ka ng tanong" sabi ko ng mahinahon sakanya

"Akala ko ba may plano ka na?"

"Kaya nga may plano na ako pero hindi ako sure doon kaya pinag-iisipan ko pa ng mabuti at sa ngayon muna sasabihin muna natin sakanila ang kwento at ishashare nila yung mga idea nila. Mahirap kasing magpadalos-dalos baka ito pa ang ikapamahamak natin" pagpapaliwanag ko sakanya at narinig ko siyang bumulong pero pinabayaan ko na lang siya at napailing na lang ako.

--

"So, anong mga idea niyo?" Tanong ko sakanila pero wala pa ring sumasagot at mukhang pinag-iisipan talaga nila ito ng mabuti.

Dahil sa kakulitan ni Paula sinabi ko na kila Aira ang nangyari para tigilan na niya ako at para makapag plano na rin ng maaga.

"Sigurado ka ba talaga sa mga sinasabi mo Sam?" Tanong ni Jacob na hindi pa rin makapaniwala.

"Come on! Mukha ba kaming nag-bibiro ng ganito?" Inis na sabo ni Paula.

"So, ano na nga?" Pag-uulit ko.

"Sa tingin ko kailangan niyo ng tumakas bago pa masimulan ang seremonya na gagawin sa susunod na linggo..." Nagulat kamo ng biglang may nagsalita sa pinto at iniluwa nito ay si King Jake

"H-huwag kang lalapit" pagbabanta sakanya ni Aira pero patuloy pa rin siya sa paglapit saamin kaya nagtayuan na rin kami.

"Chill. hindi ako kalaban" dagdag pa niya at tinaas pa niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

"Patunayan mo na hindi ka kalaban" Aira

"Dahil isarin akong tulad ninyo...bihag din ako kaya kung ayaw ninyong ma-trap sa lugar na ito pagkatiwalaan ninyo ako at ako ang tutulong sainyo makalabas sa impyernong ito" nagulat kami sa inasta ng hari pero may pagdududa rin.

"Paano?" Takang tanong ni Aira.

"Tigilan niyo na yan dahil hindi 'to biro dahil ang mga buhay natin ang nakasalalay dito. Kung ganoon na nga kailan natin sisimulan ang pagtakas?" At nagsimula na ang seryosong awra ni Matthew. Naging na kaming lahat.

"Siguro mamayang 12 midnight kailangan ay nakahanda na kayong lahat at syempre huwag kayong  gagawa ng mga kaduda-dudang mga galaw.." Sabi ni Monique. Siya talaga yung tipong tahimik lang pero may sense yung mga sinasabi kaya maaasahan mo talaga siya.

"What if kung may makahuli saatin?" Aira asked.

"Well. No choice kailangan natin silang labanan" Seriously?! Sa buong buhay ko hindi pa ako nakapanakit ng tao physically except lang sa damdamin.

"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo Monique? Eh wala nga tayong experience sa pakikipaglaban" sabi ko. Totoo naman kase dahil mapatay lang kami kung lalaban pa.

"Naaalala mo ba nung highschool tayo? Diba may p.e tayo na self defense?" May point siya pero hindi ko na masyadong maalala iyon.

"Did you know na dalawa lang naman ang labasan sa lugar na ito eh.." Paninimula ni Jake.

"Una ang gate na ilang kilometro ang layo dito pero wala pang nakakalabas na galing dito bukod kila Mother Luciana at ang mga nakakataas na antas sa palasyo. At pangalawa ay ang kalabanin niyo silang lahat at sirain ang palasyong ito." King Jake.

"Paano namin masisira ang lugar na ito?" Tanong ni Jacob. Kailangan pa bang sirain ang lugar na ito 'di ba pwedeng tumakas nalang kami?

"Kada taon ay may mga dinadalang bihag dito sa palasyo at ialay sa diyos namin...binibigyan nila ng bihag ang diyos para lalong lumakas ang kanilang kapangyarihan at para lalong mapatibay ang mundong ito"  ibig-sabihin kami ang bihag ngayong taon?

"Tama ka Samantha. At ang tanging paraan lang para mapatigil na itong kasamaan nila ay kailangan ninyo silang sirain at patayin"

"Pero...hindi namin kayang pumatay" tugon ni Aira.

"Dalawa lang naman ang pagpipilian niyo, ang pumatay para mabuhay o mamatay nang walang kamalay-malay" makabuluhang sagot ni Jake.

"Sa susunod na linggo ang kanilang seremonya kaya dapat sa lalong madaling panahon kailangan niyo na silang mapigilan bago pa mahuli ang lahat" dagdag pa niya at umalis na siya ng kwarto.

Ni isa saamin ay walang nag sasalita siguro nag-iisip ng mabuti. Sana kasi hindi na lang nangyari ang lahat ng ito eh. Sana nakinig ako sa pamahiin na maaari kang mapahamak kapag gumala kayo bago ang graduation. Pero tapos na at nangyari na ang lahat. Ang kailangan ko ay lakas ng loob para tapusin ang lahat ng 'to.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Där berättelser lever. Upptäck nu