"All I Ever Need"

3.5K 66 78
                                    







Mika's POV


Isang buwan na din ang dumaan simula nung araw na nagpasya akong iwan si Vic.

Aaminin ko na hanggang ngayon sya pa rin ang mahal ko at tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang kailangan ko. Siya pa rin ang gusto kong makasama sa kabila ng nangyari sa amin,pero mas pinili ko muna ang mag'isa at hayaang maghilom ang sugat na iniwan nya.

Nandito ako ngayon sa bahay maaga akong umuwi ng makatanggap ako ng tawag kay Kim na may ibibigay daw sya akin nagkataon naman na nasa bahay pala sya ni Vic nung tumawag ako uminom nanaman pala sila araw-araw akong nakikibalita kay Kim kung ano ang lagay nya buti na lamang at nandyan pa rin si Kim para alagaan at gabayan sya. Mabilis lang na iniabot ni Kim ang crampled papers sa akin hindi ko alam kung basura ba iyon basta ang sabi nya lang basahin ko hindi na ako nagtanong pa dahil may date pa daw sya. Nang matapos akong maligo ay mabilis akong humiga sa kama ko nag'iisip ako kung babasahin ko na ba yung sulat nya alam ko na ang maaring mangyari sa oras na malaman ko ang laman ng sulat. Bahala na, agad akong umupo at dinampot ang crampled papers sa table at nagsimula ng basahin ito.

Nagsisimula ko palang basahin ang sulat ay nagsimula ng tumulo ang luha ko parang nanumbalik lahat ng sakit sa aking puso pero this time hindi nalang yung sakit na nararamdaman ko dahil sa ginawa nyang kasalanan sakin kundi pati na rin yung sakit na nararamdaman nya sa mga oras at araw na dumadaan. Bahagya akong napahinto ng simulang magbalik at manariwa ang mga ala-ala na wari mo ay kahapong nagdaan.

Hindi ko alam kung anung magiging reaksyon ko matatawa na maiiyak na miinis.

Halo-halong emosyon na iisa lang ang dahilan mas lalo ko syang namiss.

Hindi ko maitanggi ang lihim kong pagkatuwa dahil sa inaasal nya sa mga nagdaang araw na nabanggit nya sa sulat.

Naalala ko tuloy kung pano sya maglimbing sakin na parang bata napapailing nalang ako ng bigla kong maalala kung paano kami magkulitan.

Parang nanumbalik sakin ang lahat ng masasayang pinagsamahan namin.

Muli akong napa'hinto ng maagaw ng pansin ko ang huling part ng sulat nya.








Mika,

It's been a month since you left me. Until now I'm still hurting, parang araw-araw parin dinudurog ng pino ang puso ko.

Araw at gabi akong umiiyak sa tuwing maalala at mamimiss kita. Gusto kong makipag'ayos at suyuin ka pero hindi ko magawa, hindi ako makagawa ng paraan para maayos ang gusot sa pagitan nating dalawa.

Hanggang ngayon naduduwag pa rin ako, kaya mas pinili ko nalang masaktan at umarte na parang ayos lang ang lahat sa akin.

Akala mo ba natiis talaga kita? kung alam mo lang gustong gusto kitang sugudin ng yakap at pupugin ng halik.

Sobrang miss na talaga kita Mika, para na kong mamatay sa sobrang pangungulila ko sayo.

Ikaw, namimiss mo rin kaya ako? Naiisip o naalala man lang? kasi ako hindi ka nawala sa isip ko, simula pag gising ko hanggang sa pagtulog ko.

Sa bawat pagpikit ng mata ko ikaw pa rin ang nakikita ko, hanggang sa panaginip ko.

Malapit na kong mabaliw, madalas kong kausapin ang sarili ko, tanungin ng paulit ulit kung mahal mo pa ba ako, o sadyang nakalimutan mo na talaga ang lahat ng pinagsamahan natin.

Kikiligin kapag naaalala kita, kung gano tayo kasaya noon kung paano mo binigyan ng kulay ang mundo ko.

Iiyak sa tuwing sasampalin ang ng masakit na katotohanan na talagang wala ka na. Bigla nalang mapapasigaw sa pagka'inis at pagkabagot  dahil sa mga nangyayari ngayon, sa kadahilanan na wala akong magawa, mali pala wala talaga akong ginawa para habulin at suyuin ka.

"My Bedmate"Where stories live. Discover now