"The Game of Love"

3.1K 52 19
                                    


Mika's POV

Napakunot ang noo ko sa bulong niya at nagsimula ba kong kabahan. Natatakot din ako at the same time. Si Vic ang taong hindi basta basta nagpapakita ng emosyon, o ng kahinaan. Kaya labis ang kaba na nararamdaman ko dahil kung umiiyak siya ngayon, ang ibig sabihin, mabigat ang kasalanan na ginagawa niya.

Damn!

"I'm sorry baby, I'm so sorry. Hinding hinding hinding hinding hinding hindi ko na uulitin, promise!" Tinaas niya ang kamay niya na nakapatong sa dibdib ko para maggesture na nagpropromise siya.

Hindi niya pa din inaalis ang pagkakasiksik niya ng mukha niya sa leeg ko. Pinipilit ko siyang paayusin ng higa dahil gusto kong makita ang itsura niya.

"Vic, look at me." sinusubukan kong ilayo ang sarili ko sa kanya.

I want space. Literally.

Hindi ako makahinga ng maayos, para kong nakainom ng isang galong kape sa sobrang pagpapalpitate.

"Vic, di ako makahinga. Please, umayos ka."

Tumihaya siya at tinakpan ang mukha niya ng unan. Kahit ganun ay ramdam ko pa rin ang mabibilis niyang paghinga gawa ng kanyang pagiyak.

I got my space. But not big enough to have my own breathing room.

Shit. Nahihirapan pa rin kasi akong huminga. Can't she just say it straight into my face?

"For Pete's sake, Vic, di ako manghuhula!" Napalakas na ng konti ang boses ko ng di ko sinasadya. Maybe it was my way of releasing excess tension.

Sobrang lakas ng tension kasi. Natakpan na ng tension ang sayang naramdaman ko kanina nung niyaya niya kong magpakasal.

Kasal.

Fiancee ko na pala tong kasama ko. Di ko na alam ang sasabihin ko.

Umayos na ko ng upo. Sumandal ako sa headboard nitong kama at hindi ko pa rin magawang magsalita pa. Kung kailangan kong kimkimin ang sakit? O kaba? Or whatever you call this, ay gagawin ko. I don't want to jump into conclusions dahil baka ako lang din ang masaktan.

But I'm expecting the worst.

Ilang minuto pa ang nagdaan. Nang mahimasmasan na siguro siya ay napansin kong sinilip niya ko mula sa ilalim ng unan. on normal days, I'd find this cute, baka nga na basa pa ko at yayain pa siyang magisang round. But, no. Gusto ko na lang siyang hintayin na sabihin sakin kung ano man ang gusto niyang sabihin.

Ilang minuto pa ulit ang nagdaan.

The waiting game is still on.

Parehas na kaming nakaupo at nakasandal sa headboard. Wala pa ring nagsasalita. Ang simultaneous na paghinga, mabigat at malalim na paghinga lang namin ang naririnig ko.

She didn't just break the ice when she spoke...

"May naka-one night stand ako sa Cebu..."

She broke my heart as well.

Nabingi ako sa katahimikang sumunod pagkatapos niyang sabihin yun.

Naramdaman ko na lang ang unti unting pagkabasag ng puso ko, ng pagkatao ko.

Namanhid ang mga paa ko. Pataas hanggang sa di ko na maramdaman ang sarili kong mga kamay. Di ko na maramdaman ang malamig na hanging lumalabas sa aircon. Di ko na maramdaman ang sarili kong mukha.

"My Bedmate"Where stories live. Discover now