"Goodbye girl"

2.7K 54 32
                                    







Vic's POV

"Ayoko na"

Hindi ko alam kung paano pa magsasalita, kung ano ba ang dapat kong sabihin sakanya, kung anong paliwanag pa ang dapat nyang marinig.

Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito, sinira ko ang tiwala nya sa akin, sinira ko ang pagmamahal nya, sinira ko ang buong sya.

"Anong ibig mong sabihin?" wala sa sariling tanong ko

"Ayoko na Vic, itigil na naten to" eto na ba ang kinatatakot ko, ditto na ba talaga kami magtatapos. Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha, masakit isipin na yung taong akala mo ay palaging nandyan ay bigla ka analng bibitawan.

"Mika, wag naman ganito oh please, bigyan mo naman ako ng chance para patunayan sayo na seryoso na ako, na hindi na ko naglalaro, na hindi na kita sasaktan, na ibalik ang tiwala mo sakin please Mika" Halos magmakaawa na ako habang patuloy pa rin sa pag iyak, nagsimula na din tumulo ang kanyang mga luha.

"Hindi ko na kaya Vic, hindi ko na kayang tanggapin kang muli" patuloy lang ako sa pag iyak habang hinihintay ang susunod nyang sasabihin

"Hindi ko na kayang magmukhang tanga, hindi ko na kayang umasa pa na magbabago ka" Halos napapalakas na rin ang kanayang hikbi habang patuloy lang sa pagsasalita

"Hindi ko na kayang masaktan ng paulit-ulit, hindi ko na kayang magtiwala at higit sa lahat hindi ko na kayang panghawakan pa ang pagmamahal ko sayo" Tang ina may mas sasakit pa pa pala mga narinig ko

"Mika please ayusin natin to kung hindi mo kaya na tanggapin ako ako rin hindi ko kayang mawala ka, at kaya kong ayusin to kung pagbibigyan mo lang ako ng pagkakataon please Mika mahal kita"

"Vic, ilang buwan ang dumaan na naniwala ako na mahal mo ako, na magbabago ka, na mababago kita, naniwala ako sayo at kumapit sa pagmamahal ko kahit ang sakit sakit na"

"Kung sana lang pwede kong ibalik ang mga nangyare nung una palang hindi ko gugustuhin na malagay sa sitwasyon ko ngayon, eto na yata ang pinaka masakit na naranasan ko sa buong buhay ko, kasing sakit ng mawalan ka ng magulang at magsimulang mabuhay mag'isa"

"Sinira mo ang pagkatao ko, inubos mo ang lakas ko na matagal kong binuo simula palang nung naulila ako, wala ng natira sa akin Vic" Hindi ako makapagsalita sa mga naririnig ko mula sakanya hindi ko akalain na ganito ko na pala sya nasaktan to the point na naubos na ang lahat sakanya.

"Mika, hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin, aminado ako sa kasalanan ko, sa pagkukulang ko, sa pag balewala ko sa'yo,Pano natin maayos to kung hindi mo ko bibigyan ng pagkakataon na patunayan sayo na handa at kaya ko ng magabago kasi mahal kita"

"Huli na ang lahat Vic sa loob ng ilang buwan pinaikot ko ang buhay ko sayo, lahat ng atensyon ko ginugol ko sa'yo halos lahat ibigay ko, lahat ng gusto mong gawin ko, ginawa ko, hindi ko na nga alam kung san pa ako ngakulang sayo para gawin mo sakin to, nanliliit ako Vic dahil sa kabila pala ng lahat ng ginawa at binigay ko sayo kulang pa rin pala ako, hindi pa rin pala ako sapat para sayo"

"Mika please pagbigyan mo naman ako oh, papakasal pa tayo diba?"

" sabi mo papatawarin mo ko, at tatanggapin ano man ang kasalanan ko sayo? sabi mo magiging malakas ka para sakin, para satin? pero bakit ngayon ayaw mo na? iiwan mo na ako"

"Vic sinubukan ko naman maging malakas para sa'yo kasi umasa ako na magkakaron ng tayo which is nagging tayo naman pero tang ina hindi ko naman akalain na magiging ganito. Kailangan mo pang sumubok bago mo mapatunayan at atnggapin sa sarili mo na mahal mo ko? Ganun ba ako kahirap mahalin Vic huh?" patuloy kamisa sa pagpapalitan ng salita kasabay ang mahinang hikbi at hagugol akala ko hindi na ako masasaktan ng ganito nagakamali ako kasi mas masakit pa to sa naranasan kong maloko

"My Bedmate"Where stories live. Discover now