Chapter 3

2.5K 55 26
                                    

Chapter 3

“Maglilibing ka lang ng patay na pusa nakaporma ka pa?” Hindi ko alam kung nagtataka o nang-aasar si Tito pagdating ko sa pet clinic nya. Nasa pinto pa lang ako nakangiti na sya.

Tumingin ako sa sarili ko para icheck, “okay naman po ah.”

“Eh kasi kahapon huhubad hubad ka pa dito, ngayon pormang porma ka para kang manliligaw.” Napangiti nang nakakaloko si Tito. Nahawa tuloy ako.

“Ganito din naman si Kuya Kenneth pag nagdamit.” Sagot ko naman. Totoo naman kasi na pati pananamit at pagkilos ni Kuya ginagaya ko. Minsan nga lang nawawala sa loob ko at lumilitaw pa din yung ugali ko noon.

“Okay, sabi mo. Sige na pumasok ka sa loob nanjan na sya.” Nagulat pa ko. Akala ko maaga na kong dumating, mas maaga pa pala sya. Mas excited siguro sya na makasama ko? Naks, asa!

Pagpasok ko sa lab ni Tito nakita ko nga si ‘Angel ko’ na nakaupo sa harap ng patay na pusa na nakabalot na sa sterilized cloth at nakalagay sa sterilized bag. Nakatitig lang sya sa pusa na parang malalim ang iniisip.

“Ehem.” Nagpapansin ako. Napalingon naman sya sakin. Kinakabahan talaga ko pag nagkakatinginan kami.

Napansin ko din na nakawhite dress nanaman sya na mejo kahawig nung damit nya nung first time na Makita ko sya. Siguro Angel ang pangalan nya kasi bagay na bagay sa kanya yung name nay un at nasasanay na din akong tawagin sya na Angel ko.

“Tara na?” Tanong ko sakanya at tumango naman sya sabay tayo at kuha sa pusa. Nilagay pa nya sa braso nya na parang baby. Di kaya sya nandidiri don? Sabagay sterilized naman kaya hindi nya maamoy yung pusang patay.

“Dala ko yung kotse naming kasi mejo malayo kung lalakarin natin.” Sabi ko paglabas naming ng clinic. Nilagay ko na yung mga kakailanganin ko para ilibing yung pusang gala. Napatingin sya sa kotse.

Ewan ko kung bakit parang natakot sya nung sinabi ko na sasakay sya sa kotse ko. Parang yung expression ng mukha nya few months ago nung tinawag sya nung lalaki at sumakay sya sa sasakyan nila.

Para gentleman, at tulad din ni Kuya Kenneth, binitbit ko yung bag na dala nya at pinagbuksan ko sya bago ko sumakay ng kotse.

Pinakatahimik na ride yata ng buhay ko yung byahe namin papunta sa hilltop. Mas maingay pa yung hangin kesa sa kanya. Lahat ng tanong ko tango at iling lang ang sinasagot nya. Kailangan ko pa syang tignan sa salamin para Makita ko yung mga sagot nya twing nagtatanong ako. Lagi rin syang nakayuko. Lalo tuloy akong nacucurious kung anong problema nya. Mejo naiinis na din ako. Para kasing kulang na lang sabihin nya sakin ng direchahan na nagtitiis lang sya na kasama ko.

Hanggang sa makarating kami sa hilltop. Ganun pa din. Tahimik… pasulyap sulyap lang ako sa kanya habang busy sya sa pagtingin sa view. Super ganda kasi ng view talga dito nakakarelax pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit ko sya pinakikiramdaman. Gusto ko malaman kung anong reaksyon nya na nandito ulit kami. Dahil dito nya ko pinagsamantalahan, este, di ang first kiss namin..or pwedeng ako lang, kasi baka hindi ako ang first kiss nya?

“wala ka bang natatandaan sa lugar na toh?” Hindi na ko nakatiis nung manatili syang walang kibo.

“Meron.” Simpleng sagot nya. Grabeh yun lang? ‘Meron.’ Wala na bang follow up dun? Hindi man lang nya sasabihin kung ano yung ‘meron’ na natatandaan nya?

“Ahm…sige maghuhukay na ko nang paglilibingan nya.” Sabi ko na lang at nagsimula na kong maghukay sa tabi nang malaking puno. Free land yung lugar na toh at walang particular prohibition kaya okay lang kung maglibing ng pusa wag lang tao syempre.

Once Upon a SunsetWhere stories live. Discover now