Once Upon a Sunset

10.8K 109 35
                                    

~*~*~ ~*~ ~*~

I’m Ryan and it’s my Graduation day. Lahat ng mga tao sa school bihis na bihis. Mga nagpapasikatang mga magulang. Nagpapagandahan at nagpapagwapuhang students. Mga teachers at school staffs na abalang abala. Lahat excited…Maliban sakin.

30 minutes magsstart na ang ceremony, nsan kb?

I received another SMS from my father. Para hindi na mangulit tinawagan ko na.

“Dad… I’ll be there. It’s my graduation! May pinuntahan lang malapit lang pos a school.” And with that I ended the call.

Bago magsimula ang graduation ceremonies I need to be here. Isang burol na malapit sa school. I am so refreshed pag pumupunta ako dito. Green grass, fresh air, cool wind, shady trees, at kita ang sunset from here. But this place, no matter how divine it looks, holds a nightmare.

Lumanghap ako ng sariwang hangin at pumikit.

“Kuya, sabay sana tayong aakyat ng stage ngayon. I’m so sorry. Sana mapatawad mo ko.” Bulong ko sa hangin na parang humihimas sa ulo ko. Minsan naisip ko paraan yun nang kuya ko para iparating sakin na nadidinig nya ko.

*sobs*

Naiiyak na sana ko pero may narinig akong humihikbi. I’m not the only person here?

Tumayo ako para hanapin kung san nanggagaling ang mga hikbi. Not so far away sa kinauupuan ko kanina, may babaeng nakaupo at nakasandal sa puno. She’s staring at the sunset habang umiiyak.

Natigilan ako nang Makita ko sya. She’s wearing a plain white dress na knee length at nakapaa lang sya. Para syang anghel na umiiyak. Kahit yung balat nya parang kumikinang dahil sa pagtama ng papalubog na araw. At light brown ang mga mata nya na lalong gumaganda sa bawat agos ng luha nya na parang Kristal na bumabagsak sa lupa.

Hindi ko alam kung aware na sya na tinititigan ko sya pero I’m mesmerized. Kulang na lang sa kanya, pakpak sa likod at maniniwala na talaga kong anghel nga sya.

Desidido na talaga kog tumayo na lang dun at titigan sya pero bigla syang napalingon sakin.

“Ah…Miss o-ok ka lang?” mejo nautal tuloy ako. Kinilabutan ako sa tingin nya. Maamong mukha pero may talim sa mata nya. Yung tipo nang kagandahan na hindi nakakaumay. Elegant beauty.

Nataranta ko nang bigla nyang tiniklop ang mga binti nya at dumukdok sa tuhod nya tska umiyak na parang humahagugol. May sinabi ba kong mali?

“Miss, sorry…ano bang problema?” Nagmamadali akong lumapit sa kanya pero di pa rin nya ko pinansin. Tuloy lang sya sa pag-iyak.

Tumingin ako sa relo ko. 25 minutes before the ceremony. May time pa ko dahil 5 minutes drive lang naman from school yung lugar na toh. Umupo ako sa tabi nya at hinintay kong huminto sya sa pag-iyak. Wala naman kasi akong maisip na gawin, bigla na lang syang umiyak nang ganyan nung nagsalita ako.

Ilang sandali pa, tumigil sya sa pag-iyak at dahan dahang inangat ang ulo nya para silipin ako. Nakatingin lang ako sa kanya. Natutuwa ako kasi parang napakafragile nya na parang mababasag sya pag hinawakan ko sya.

Ngumiti ako nang magtama ang paningin namin. Bigla naman syang tumayo at pinagpag pa yung likod nya. Tumayo din ako na pinapanood pa rin sya.

“Ok ka na ba?” Tanong ko. Para namang nagulat sya sa tanong ko in a way na parang hindi sya makapaniwala na nakuha ko pang magtanong ng ganung bagay.

PAK!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. It took me 3 seconds para bumalik sa sarili ko. Napahawak ako sa pisngi ko na sa tingin ko namumula na ngayon. Ang sakit nun ah!

“MANLOLOKO!!!” Sinigawan nya ko at mukhang galit sya. Nagumpisa nanamang tumulo ang mga luha nya.

“Miss hin-” Magsasalita sana ko pero bigla sya lumapit sakin. Pinaghahampas nya ko sa dibdib habang umiiyak nanaman.

Niyakap ko sya para mapigilan sa gingawa nya at sumuko na din sya. Yumakap sya sakin na umiiyak at ramdam ko na nanginginig ang buong katawan nya sa bawat sob nya.

“Madaya ka…. Manloloko ka….Sabi mo ako lang….manloloko ka….” Kahit hindi ko alam kung anong sinasabi nya, nanggigilid na din ang luha ko. Naapektuhan ako sa pag-iyak nya. Nadadala ko.

Parang nararamdaman ko din yung sakit na nararamdaman nya. Totoong totoo yung pag-iyak nya. Parang may emosyon na matagal nyang pinigil at ngayon lahat ibinubuhos nya sa bawat luha nya. Sino kaya ang nanloko sa babae na toh? At bakit ako ang pinagbibintangan?

“Shhh….tahan na Miss….” Nasabi ko na lang. Niyakap ko sya nang mahigpit nang lumakas ang ihip nang hangin. Tumahimik sya pero humihikbi pa din.

2 minutes siguro kaming magkayakap lang. Pakiramdam ko nga ayaw ko na syang bitawan. Pero hindi ko pa din alam kung bakit nagkakaganyan sya. Kung sino sya, kung bakit umiiyak sya, at sino ang nagpapaiyak talaga sa kanya.

“Dito ka lang.” Napatingin ako sa kanya nang bumitaw sya sa pagkakayakap sakin. Nagtama nanaman ang mga mata namin.

Before I knew it, she kissed me, full on the lips. It’s my first kiss and I’m gradually giving in. The way she’s kissing me is so hypnotizing na parang mapapasunod ka sa kung anong gusto nyang gawin.

Napayakap ako sa kanya while we’re kissing at parang yun namang ang gumising sa kanya. Tinulak nya ko palayo sa kanya, breaking the kiss. Parehas pa kami humihingal after that kiss.

Napayuko sya sabay ayos sa sarili nya. Parang hindi sya makatingin sakin.

“Miss…” Magtatanong na sana ko pero di ko alam anong sasabihin ko.

Anong pangalan mo? Ang awkward naman, nahalikan ko na di ko pa alam pangalan. Hindi ako masarap humalik? Nah…parang ang bastos ng dating! Hindi ako yung sinasabi mo? Pero baka isipin nya alam kop ala pero nagtake-advantage ako!

“Iniwan mo ko….” Bulong nya. Hindi ko alam kung sakin pa din yun or yung damo na ang kausap nya dahil nakatingin pa din sya sa lupa.

BEEEEP!

Sabay kaming napalingon nang may sasakyang pumarada at bumusina malapit sa kinatatayuan namin. Isang lalaking nasa Early 40s ang bumaba at kumaway sa babae.

“Nanjan ka lang pala. Halika na at gagabihin nanaman tayo sa byahe nyan!” Naiinis na sabi nito. Napatingin ako sa babae at biglang gumuhit ang takot sa mga mata nya. Nagmamadali syang tumakbo papunta sa sasakyan.

Sumakay sya nang hindi man lang ako nilingon. Then, they left.

I looked at my watch. 15 minutes before the ceremony. Nagtatakbo ako sa kotse ko na nakapark sa di kalayuan. Parang tumatak sa isip ko ang mga mata nung anghel na nakita ko.

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko habang papaakyat ako ng stage para abutin ang diploma ko.

‘Kuya, pare sating dalawa toh.’ Sabi ko pa sa isip ko habang kinakamayan ako ang mga teachers. Kitang kita ang tuwa at pride sa Dad ko habang nagpapakuha kami ng picture sa stage.

That was the best day of my life.

Doon magsisimula ang bagong buhay ko… bagong pangarap… bagong pakikipagsapalaran. My graduation day…. A day full of happiness and sorrow… plus a weird event….once upon a sunset.

~*~*~ ~*~*~ ~*~*~

Marikit

Once Upon a SunsetWhere stories live. Discover now