Previous Page of 4Next Page

Once Upon a Sunset

spinner.gif

Chapter 6

Biglang napatayo si Mia sabay diin ng mga kamay sa piano na gumawa ng nakakagulat at nakakakilabot na tunog na umalingawngaw sa buong music room hanggang sa unti-unting humina at nawala.

“Hindi ako nagkikipaglokohan sayo. Kung hindi mo kayang magseryoso humanap ka na lang nang ibang magtuturo sayo.” May galit sa tono ng salita nya. Inaasahan ko naman na hindi magiging maganda yung pagtanggap nya sa sasabihin ko pero hindi ko inaasahan na magagalit talaga sya.

Inirapan ako ni Mia sabay lakad paalis ng music room. Mabilis ko naman syang hinabol at bago pa makarating sa pinto hinarang ko sya.

“Mia, wait lang naman…nagbibiro lang ako.” Kahit seryoso ko kanina, napilitan akong sabihin na biro lang lahat kesa naman magalit sakin at iwasan na ko habangbuhay parang mas mainam magtorpe-mode na lang ako muna at hahanap na lang ako ng magandang timing.

“Di ba sabi ko seryoso na?” Masama pa rin ang tingin nya sakin. Nagcrossed arms sya at palipat lipat ang tingin sa magkabilang side ng room na parang nag-iisip kung palalampasin nya ang pagbibiro ko o hindi na.

“Wag naman kasing masyadong seryoso. Alam mo ang music hindi naman laging seryoso…ibat ibang emosyon din. Nakakawala nang pagod pag mejo kwela…diba?” Dahil alam kong mahilig talaga sya sa musika, yuna ng ginamit ko para maikundisyon ulit sya. Smooth talker lang ^_^

“Next time umayos ka na ha. Ayoko ng mga biro mo. Kung hindi lang ako nakapangako sayo hindi na talga kita kakausapin.” Reminder nya sakin pero unti-unti nang kumalma si Mia.

Napatingin ako sa relo ko at oras na pala. Kailangan na naming bumalik sa klase. Nakakalungkot naman kasi gusto ko pa sana syang makasama pero di bale bukas na lang ulit.

“Time na pala ang bilis ng oras. Pano, balik na tayo sa class..sorry ulit ha. Wag ka naman din kasi masyadong seryoso.” Sabi ko sabay turo sa relo ko. Nagkibit balikat lang si Mia at hinawi ang nakaharang ko pa ring kamay para makaraan sya.

Binuksan ni Mia ang pinto at malakas na sinara na parang nagdadabog. Napailing nalang ako sabay batok sa sarili ko. Sinimulan ko nang ligpitin ang pinagkinan namin nang biglang bumalik si Mia. Nagulat pa ko na nagmamadali syang lumapit sakin.

“Naiwan ko. Anyways salamat dito.” Hindi ko alam kung nahihiya sya o naiilang pero Masaya ko na binalikan nya yung bulaklak na bigay ko at nagpasalamat. Kahit ganun sya halata ko na nagustuhan nya yung binigay ko kaya Masaya na rin ako.

“Thank you din Mia. Bukas na lang ulit. Promise, seryoso na ko.” Pilit kong pinipigil yung ngiti ko para hindi nya mahalata na kinikilig ako pero wala eh di ko mapigil mapangiti.

Tumango lang si mia at parang batang nagtatakbo palabas ng room. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan syang papalayo.

“Hayz….ganda mo naman kasi eh!” Naiinis kong bulong sa hangin. Alam nyo kase, pagdating sa mga babae mabilis ko lang napapasagot pero wala pa kong sineryoso… kasi never ko pa naexperience mainlove. Mukhang ngayon pa lang ako tinamaan talaga ng salitang yon.

~~~

 Parang ang bilis na nang oras pagkatapos ng lunchbreak. As usual nagfocus talaga ko sa mga quizzes naming. Kailangan ko maging honor student katulad ni Kuya Kenneth kaya naman pagdating sa studies hindi ko binabale-wala.

Nagpaalam si Kate na may lakad sila ng mga kaibigan nya kaya hindi ko muna sya ihahatid. Good for me kasi parang tinatamad yata akong maghatid ngayon. Ewan ko ba. Nahahalata ko mejo tinatamad na kong gawin yung mga dating ginagawa ko naman para sa kanila. Kaya lang kailangan kong ituloy kasi naguiguilty ako tska alam ko gusto nila yung mga ginagawa ko at yung pagpapakatino ko para sa mga taong naiwan ni Kuya nung namatay sya.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (47)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 6

Cast

DJ Padillaas Ryan Devera
Julia Montesas Mia Jacinto
Kathryn Bernardoas Kate Mendez
Diego Loyzagaas Kenneth Devera
Albie Casiñoas Alvin Alonzo
Neil Coleta as Raniel Mercado

Who's Reading

Recommended