Chapter 1

3.4K 78 21
                                    

Chapter 1

“Whatever our souls are made of, hers and mine are the same.” Pagtatapos ko sa assignment na pinabasa sakin ng professor namin sa English 101.

Unang araw ng klase sa bago kong school as a college student. Bachelor of Science in Accountancy ang kinuha ko dahil bukod sa ito yung pinipilit sakin ng parents ko, ito din ang gusto sanang kuhanin ng Kuya ko kung buhay pa sya ngayon. Hindi ko magagawang biguin sila Mom and Dad lalo na ngayon….ako na lang ang nag-iisang anak nila.

“Thank you Mr. Devera, you may take your seat.” Tahimik pa din ang klase habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko. Siguro feel na feel nila yung binasa ko.

Assignment kasi namin na isulat yung tungkol sa isa sa mga hindi namin malilimutang pangyayari sa buhay namin. Una talagang pumasok sa isip ko si Kuya pero nung nalaman ko na babasahin sa harap hindi ko tinuloy dahil ayokong umiyak kalalake kong tao. Next na naisip ko yung babaeng nakita ko sa hill malapit sa school few months ago nung graduation day ko.

I know there’s something about her. Something na parang magiging kulang ako pag hindi ko nalaman. Kung tinanong ko lang sana yung pangalan nya baka hindi sya nawala. Masyado din kasi akong nadala sa mga ginawa nya kaya siguro nakalimutan ko na din yung itanong pa yung name nya. Ayan tuloy unti-unti akong nagiging hopeless romantic, sabi ng mga tropa ko. Nabansagan pa kong in love daw sa angel. Anyways, life must go on and I know someday makikita ko sya. As I said sa ginawa kong assignment, our souls are the same. I believe, she’s my soulmate.

“Ikaw ba talaga gumawa nyan?” I snapped out of reverie nang magsalita ang katabi ko, si Kate Mendez. Magkabatch kami at first time ko syang maging classmate pero matagal na kaming magkakilala.

Kate is my brother’s ex girlfriend. Ex girlfriend kasi patay na si Kuya so that makes her an ex. Last time parang bata pa sya kung umasta pero ngayon iniba na nya ang image nya. Dalagang dalaga na sya sa pagsasalita, sa kilos at pananamit. Siguro gusto nya din kasi itago yung pagluluksa nya para sa kapatid ko. Kesa nga naman pumangit sya ng pumangit at magpakastressed dahil sa nangyari, pinli nyang magmove on at maging better person.

“Ako talaga yan. Remember the girl I told you? Sya yung tinutukoy ko jan.” I simply smiled at her at humarap na ko sa professor namin na magsstart nang magdiscuss.

“Goodluck na lang sa unang hirit ng lovelife mo.” Narinig ko pang bumulong sya sabay kibit balikat.

Kate knows me very well since childhood. Alam nya na black sheep ako since birth at lahat ng sakit ng ulo ibinigay ko na yata sa parents ko. Kaya nga kahit mas gwapo ako sa kapatid ko, mag nagustuhan nya si Kuya kasi kabaligtaran ko yun. Matino, model son, model student, model citizen, Mr. Nice Guy, Mr. Perfect. Pero ni minsan hindi ako nainggit kay Kuya. Sanggang dikit kami non at kahit magkaiba kami magkasundong magkasundo kami.

Now that he is gone, I’m trying my level best to live up his lifestyle. Nagpapakabait na ko, nagpapakatino at nagpapaka-the-best dahil kasalanan ko kung bakit sya namantay.

And when it comes to lovelife? Ang dami kong naging girlfriend, hindi ko mabilang. Walang seryoso kahit isa. Kaya nasabi ni Kate na unang hirit ng lovelife ko nung Makita ko yung babae nung graduation day. Sabi pa nila, baka daw diwata ng mga babaeng pinaiiyak ng mga playboy na katulad ko yung nagpakita sakin at balak akong gantihan. As if namang maniniwala ako dun!

“In history, Shakespeare still holds the position of being the most romantic sonnet creator…” inaantok na ko sa pagdidiscuss ng professor ko. Ngayon ko lang narerealize gaano kaboring yung topic na toh.

Ano kaya nakita ni Kuya sa mga ganitong bagay? Mahilig sa poems, paitings, violin, piano..kung sinubukan ni Kuya magballet baka pagdudahan ko na gender nya talaga. Masyado syang gentle. Parang pamababae lang kasi mga kaek-ekan na yun para sakin.

Once Upon a SunsetWhere stories live. Discover now