Chapter 28: Last Chapter
Marcus' POV
[Nasa ospital kami.]
Binaba ko agad ang telepono at dumeretso sa ospital.
Pag dating ko, nakita ko silang lahat. Si Trisha, umiiyak. Agad akong pumasok sa kwarto ni Alyanna.
"Yanna... kung kailan mahal na kita. Alam kong hindi kita naaalala, pero alam kong alam ng puso ko kung sino ka."
Nakatingin lang ako sakanya. Alam kong walang magagawa. Dumeretso ako sa nag-iisang taong alam kong makakatulong sakin.
"Kelan ba akong huling nagpunta dito? Di ko rin alam e.
Minsan lang ako humiling, p'wede bang pagbigyan nyo naman ako?
Ngayon lang po 'to. Dalawang hiling lang."
Di ko napansing tumutulo na luha ko.
"Pwede po bang gisingin n'yo sya? At pag gising nya... pwede po bang may naaalala na ako?
Gusto ko syang makausap. Gusto kong sabihin sa kan'ya ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay."
Natigilan ako sandali.
"Pwede po ba? Sige na po? Nagmamakaawa ako. Gagawin ko ang lahat."
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa napagod na ako at naisipang puntahan siya.
Habang naglalakad, biglang sumakit ang ulo ko.
****
Trisha's POV
Gising na si Yanna. Nagulat kaming lahat pati na 'yung doktor. Pero sabi nung doktor, wag daw munang umasa. Hindi pa rin sya ayos. Pero the thing is gising na sya. At hinahanap nya si Marcus. Kaya in search ako ngayon sa loveydovey nya.
Lakad.
Hanap.
Lakad.
Hanap.
BINABASA MO ANG
A Walk in the Rain
Short StoryA story about a girl who hates her name, and who hates the rain. Let's join her as she finds someone who'll teach her not only to walk but even to dance in the rain.