A Walk in the Rain [25]

3.3K 60 12
                                    

Chapter 25: Forgotten

Trisha's POV

Lahat kami nagulat sa sinabi ni Marcus. Lalo na si Yanna. Kitang-kita ko yung pagtulo ng mga luha n'ya.

"Marcus... please," narinig kong binulong n'ya.

Marcus was still there. Lying. His eyes are full of questions.

"Pare... hindi magandang biro," sabi ni Allen.

"Sino kayo? Anong biro. Agh. Wala akong maalala. Sino ako?"

"NO!" sumigaw bigla si Yanna at lahat kami napatingin sa kan'ya.

Tumakbo s'ya papalapit sa kama ni Marcus ng umiiyak.

Kitang-kita na nagtataka si Marcus. Bigla s'yang niyakap ni Yanna.

"Sorry..." was all he managed to say.

"Ba't kahit kailan ang daya mo?!?!" sabi ni Yanna.

Hindi makasagot si Marcus.

"Tingin ko dapat muna tayong lumabas." sabi nung Mom nya?! O.O

Tumango lang kami at lumabas na. Dun din namin nakausap yung doktor.

Sa sobrang lala daw nung head injury nya, nagkaroon sya ng temporary memory loss. Amnesia for short. And he doesn't remember anything now.

Nag-aalala ako. Hindi kay Marcus dahil alam kong babalik din naman ang memory nya, pero kay Yanna. Kung kailan naman hindi sila okay saka nagkaganito.

After mga 2 hours, lumabas na si Yanna. Hindi na s'ya umiiyak. Pero halatang malungkot sya. At least, med'yo umaliwalas naman yung hitsura n'ya.

Lumapit s'ya sa'min.

"Uwi muna ako." sabi n'ya sa'min sabay smile, "Tulog na s'ya. Babalik ako mamaya."

Tapos umalis na s'ya.

***

Yanna's POV

Lumabas sila at naiwan kami.

"Who am I?" tanong n'ya sa'kin.

"Marcus Rafael Dizon. 15 years old. Nag-aaral ka sa St. Mark's Academy bilang Third Year HighSchool." sagot ko.

"Sino sila? Yung mga tao kanina?" tanong pa n'ya. Halatang-halata na naguguluhan sya.

"'Yung isang babae na medyo aged na, Mommy mo. Yung mga lalaki, mga kabarkada mo at yung isang babaeng katabi ko ay yung bestfriend ko." pag-eexplain ko.

"Sorry pero... sino ka?" tanong n'ya pa.

"Ako? A--Alyanna Rain dela Fuente. Kaklase mo," sabi ko.

A Walk in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon