A Walk in the Rain [2]

7.1K 134 8
                                    

Chapter 2: Next Two!

Alyanna's P.O.V.

"Ha?! Dito?!" Naisip nyo 'yun?! Naghilahan kami and everything tapos sa'n ang punta?! Dito sa... canteen. =.="

"So, ano gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya. 

"Eh ano bang ginagawa sa canteen?" sabi nitong si Nathan. AGH. S'ya ba 'yung tinatanong? Hindi naman ah! 

"Tsss," A'a! Napupuno na talaga ako sa tatlong 'to.

Aalis na ako. Tutal, nasa'n ba kami?! CANTEEN! Busog pa ako. Saka kahit gutom ako, wala na din akong ganang kumain.

"Can you just wait?!" Aba'y Inglesero?! 

"Ano bang iintayin ko!?" sabi ko. 

"Wait for me! Gutom na ako!" At talagang... alalay talaga ako?! 

"Bahala ka d'yan!" sabi ko at umalis na. Good thing 'di na nya ako pinigilan. Pero--

"Miss Rain..." Sino naman 'tong dalawang 'to?! 

"Sino naman kayo?! Tss. Ang dami nyo ha!" sabi ko. 

"Hahaha. Allen dito!" Pakialam ko naman sa pangalan nya! Ang pangit ng name mo Dre. 

"And so? Nagsama ka pa ng alalay mo!" sabi ko sabay tingin dun sa isa pa nyang kasama. 

"Ako alalay?!" Ay hindi-hindi! Yung mag-titinda! "Tinawag mong alalay ang prinsipe ng St. Mark's?!" Prinsipe naman 'to!? Yung isa MASTER ah! 

"So? 'Di nga kita kilala e!" sabi ko. 

"You don't know me?!" Makulit sya. 

"Hindi nga 'di ba?!" Ang gulo niya! 

"Grabe Miss. Ako si Hero," So? Bayani s'ya? Ga'non? 

"Wala kayong balak padaanin ako?" sabi ko. Sa halip na nauubos yung oras ko sa pagpapakilala nila. 

"Utos ni Master eh," sabi nitong si Allen. 

"Ano ba talagang balak n'yo?!" tanong ko ulit. 

"Malay namin kay Master!" sagot naman nitong si Bayani.

Tapos... hinawakan nila ang kamay ko. Ew. They're dirty.

"Sa'n nyo ba ako dadalhin? Sabi ni Marcus-slash-Rafael-slash-Master nyo 'we're here' na daw!" sabi ko sa kanila. 

"Tinawag mong Marcus si Master?!" tanong nilang dalawa. As in sabay. 

"Nah. Pasa'n tayo?!" tanong ko. Paiwas dyan sa pangalan topic na 'yan. 

"Sa HQ," sagot ni Allen. 

"Anong HQ?" tanong ko uli. 

"Nevermind."

K. Anong HQ 'yan?! High Quality?! A-attend pa ako ng klase! Ayaw kong ma-late sa classes tapos kokopya ng notes sa kaklase tapos kukuha ng remedial tapos mag-isa mag-tatake ng missed quizzes and activities... WAAAHHH!

Pinagtitinginan kami ng mga tao. Mostly babae. Yung iba kinikilig. Yung iba ang sama ng tingin sa'kin. Papatayin nila ako sa mga titig. 'Yung iba, kulang na lang maging heart-shaped na yung mata nila sa pagtutunaw kina Allen at Hero.

"Grabe. Ang swerte nung babae. Kanina nga sina Nathan, Matthew at Prince Rafael 'yung kasama n'ya! Ngayon naman sina Allen at Hero! Waaah!" sabi nung isang chismosa.

"Wow. Nakasama n'ya 'yung buong Royalty?! She's lucky," sabi ni Chismosa Number Two.

Huwaat?! Anong maswerte sa pagsama sa limang kamoteng 'to?!

"Ang dami nating fans!" Ang hangin talaga n'ya. Grabe Allen. Grabe! 

"Wala silang taste," sabi ko. Tapos tumingin si Hero sa'kin gamit ang 'ikaw-ang-walang-taste' look n'ya.

Nang-irap na lang ako kaysa makipag-titigan sa kanya. Nakakapandiri lang talaga. Ew.

Pasa'n naman kaya kami? Dumaan kami somewhere sa may likod ng canteen at nasa labas na kami ng school. Shortcut eh.

Ayaw ko ng umimik since ako lang din ang napapagod. Hahayaan ko na lang sila. Talo naman ako e.

"Pare, pabukas nung pinto," sabi ni Hero kay Allen. Eto namang si Allen, sunod agad. HQ nila... mansyon!

HQ. HQ. HQ. Headquarters pala! Headquarters na mansyon.

Sabagay... Royalties nga daw 'di ba?!

Eh ano ba kasing balak nila, este namin dito sa bahay na 'to?

==============================================

-Thank you for reading!

 Hihihi. Find time na basahin 'yung other stories ko!

 Vote po kayo.

 Comment na din.

 Like this story din!

 Be my Fan. :D

 Smile always!

-iammissred ^_^

A Walk in the Rain.

A Walk in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon