Chapter 4- Trixie's Suitor

104 4 2
                                    

Dedicated sa kanya toh..... makamandag itong tao na ito, pangalan pa lang palong-palo na paano pa kaya kung nkasama mo na ahahahah.... kung minsan dalawa siya sa paningin ko dahil sa sobrang mahal ko yan ahahah...mabait nga kasi ako..ahahah

Pavote, and comment na rin :))) thanks.. Happy bertday boseng, mhua mhua tsup tsup....

------------------------

TRIXIE's POV

Takte naman itong si Mitzi iniwan lang akong nag-iisa. Hindi ko alam kung saan pupunta ang babaeng iyon, naguguluhan ako sa sinabi niya na may gagawin siya at para iyon sa future ko. Alam na ba niya ang mangyayari sa future ko. Ahahahaha, ang adik talaga nun, uuwi na lang akong mag-isa, wala akong mapapala kung aantayin ko ang babaeng yun, malamang sa alamang may nakita na namang lalaki yun, at inaalam ang buong detalye sa buhay nito...kawawang lalaki, wala na siyang kawala sa kamandag ng bait-baitan kong kaibigan... Sana mabuhay pa siya ng matagal XD.. LOLS..:))

"Hi trixie"

Parng pamilyar sa akin ang boses na iyon..At ng lumingon ako sa likod ko hindi nga ako nagkakamali...Si RAED nga iyon,, bakit nagyon pa, bakit ngayon ka pa nagpakita...

"Hindi mo man lang ba ako babatiin din ng HI"- raed

"Raed, uwi na ako marami pa akong gagawin eh, hanap ka nalang ng ibang kakausap sa iyo"- Trixie

"Trixie, hindi naman ako nandito para kausapin at kulitin ka lang eh, alam mo naman kung bakit diba"- Raed

"Raed alam ko, pero tulad na nga ng sinasabi ko sayo palagi, ayoko talaga marami namang iba dyan eh"

"Anong pang silbi ng pagiging marami nila kung ikaw lang ang nakikita ko"

"We can be friends Raed, pero hindi aabot sa puntong tulag ng gusto mo"

"Ok, ganito na lang hayaan mo na lang ako sa mga ginagawa ko. basta para sayo friends tayo ha"

"Deal, Uwi na ako Raed wala kasi akong kasabay si Mitzi kasi ng boy hunting pa"

"Sayang naman libre muna sana kita sa labas"

"Mamaya na pala ako uuwi, narinig ng tiyan ko yung sinabe mo kaya nagvibrate, ok lang sakin kung mag jollibee tayo, hindi naman ako choosy eh, sa mga bibiyang ganyan hindi tinatanggihan"

"Hindi ka parin nagbabago Trixie, pagdating sa libre alerto palagi, kung ito lang ang paraan ko para makabawi sa iyo sige na nga"

"Ang dami mo pang sinasabi, ililibre mo ba ako o hindi"

"ililibre... nag eexplain lang naman ako ng konti, halika na nga, baka magwala ka pa dyan kargo de konsyensya ko pa"

"Walang explain explain sa taong gutom, bilisan mo at baka matuwa pa ako sa iyo"

Si Raed ang isa sa mga makulit na manliligaw ko.. Grade School palang kilala ko na iyan, and magkapitbahay lang kami, kaya medyo alam ko na ang ugali ni Raed, napaka bait, gentleman, matalino at gwapo, lahat na ata nasa kanya na,  iyong tipong lahat ng mga babae ay nanaising maging boyfriend siya..

Ng Second year lang siya nagsimulang mangligaw sa akin...sabi nila sa akin bakit daw pinakakawalan ko pa daw ang isang katulad ni Raed, kahit na nanliligaw palang sa akin si Raed, ay loyal na ito sa akin kasi kahit anong dikit sa kanya ng mga babae dyan sa tabi-tabi ay hindi niya pinapansin

Nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit hindi ko kayang mahalin ang katulad ni Raed na perpekto sa paningin ng iba.may mali ba sa kanya na nakikita o ako itong may deperensya.. Siguro sa panahon ngayon hindi pa lang ako handa para pumasok sa isang relasyong seryoso hindi dahil natatakot akong masaktan, pero hindi ko talaga alam kung anong kahihinatnan ng isang relasyong papasukan ko... Paano ka papasok sa isang relasyon kung hindi din naman kayo magtatagal... Tadhana nalang ang makakapadikta kung kailan at saan at tsaka true love can wait :)). Pero sa ngayon masaya ako sa buhay ko... at dahil na rin sa ililibre ako ni Raed ahahahah Lols...

Unconditional LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant