Chapter 1- First day of School

153 4 2
                                    

Dedicated ko sa kanya toh...unang inspirasyonko toh sa lahat ahahahah...kasama sa lahat ng oras,, at kausap sa lahat ng mga bagay-bagay na hindi normal sa paningin ng iba ahahahah...love lots.. mhua mhua tsup tsup...:)

--------------------------

*KRING, KRING, KRING

“Argh sino ka na namang nilalang ka, na inaantala ang mahimbing kong pagtulog”  

“Trixie, ako to si Mitz”

“Langhiya ang aga-aga mo namang nangistorbo”- Trixie

“Gising ka na ba?”- mitz

“Hindi ba halata, kausap mo na nga ako diba, ang aga mo namang Buena mano sa araw ko”

“Sorry, bumangon ka na dyan, bilisan mo first day sa school ngayon”

“Alam mo ba kung anong oras na”

“5:25 na”

“OH MY GOSH 5:25, MITZZZZZZ 8:00 pa ang pasok natin tapos ang aga mo akong gigisingin”

“First Day of class nga ngayon eh”

“Wala namang pinagkaiba iyon nung 1st year, 2nd year at 3rd year tayo”

“Ah basta aantayin kita dito”

“Nasaan ka na ba?”

“Nandito na sa school”

“NASA SCHOOL KA NA,,, BALAK MO BANG IKAW ANG MAGBUKAS NG GATE AT MAGENTERTAIN SA MGA FRESHMEN NA PAPASOK”

“alam mo kung kanina ka pa bumangon tapos ka na sana”

“oo na heto na,, huwag ka ng tumawag maliligo na ko”

“ok bye…see you later”

 At sa wakas natapos na ang pagtawag ng kaibigan ko, hindi ko alam kung kaibigan nga ba. Kasi kung minsan siya pa ang kumokontra sa lahat ng gusto ko, sa sobrang pagkabait niyan, hindi ko na alam kung paano ko siya isasalvage, kung minsan kapag sinabi kong wag niyang sasabihin ang kinuwento ko, kinabukasan buong campus na ata ang nakakaalam, at ang tanging masasabi nya lang sa akin, “Pasensya na, hindi ko mapigilan”. Ano pa nga bang magagawa ko, pero pagdating sa mga sikretong kailangan talagang itago ay hindi niya sinasabi. Ang mga trip niya lang ipagkalat ay iyong mga magboyfriend, nagbreak, tapos  iyong mga panlalait sa mga teacher, mabait nga kasi siyang bata.

“Anak ang aga mo namang nagising, excited ka ba?”

Ang butihing ina ko iyon.

“mama naman halata bang excited ako, si Mitzi kasi maaga akong inistorbo”

“maganda na iyonat maaga ang unang araw mo sa eskwelahan ngayon,  sige na maligo ka na”

Pagdating ko sa sala, narinig ko na naman ang walang katapusang ANG DATING DAAN. Hindi pa ba sapat ang pagsisimba ko para pati hanggang dito sa bahay ay marinig ko iyan,, masyado na ba akong makasalanan. At sa banyo hayun, ang kapatid ko kumakanta habang naliligo. AAAAHHHHHHHH,, masama na ba talaga akong tao para maranasan ang lupit ng mundo

AFTER ALMOST ONE HOUR

                Sa wakas im on my way to go to school at baka naiinip na sa akin si Mitz. Naglalakad lang naman ako, hindi naman kasi ganoon kalayo iyong pinapasukan ko at maganda na din iyon para exercise sa umaga para tumagal pa ang buhay ko. And speaking of Mitz malayo palang naaninag ko na ang kanyang pagmumukha, at ang bruha ngiting-ngiti sa akin, kala mo ay panandaliang nasapian ng masamang hangin.

“Bakit ang tagal mo?”- Mitz

“Alangan namang pagkatawag mo nandito na agad ako” -Trixie

“Hindi naman sa ganun pero kasi kanina ko pa gustong pumasok dahil marami ng biyaya sa loob”-Mitz

“Ano na namang biyaya yan, mga bokabularyo mo talaga” -Trixie

“Mga gwapong nilalang, ito naman parang hindi na nasanay sa kagandahan ko”- Mitz

“Eh bakit hindi ka na pumasok at tinxt mo nalang sana ako”- Trixie

“Alam mo masyado akong mabait kaya gusto ko parehas tayong makikinabang”-Mitz

“Naku ewan sayo, pasok na nga tayo”-Trixie

“As you wish my dear”- Mitz (with matching smiling face pa iyon)

 As usual, ano pa bang aasahan sa first day of school. Eh di parang reunion ng bawat section na akala mo ay hindi na ulit magkikita araw-araw. Ang daming mga kwento na gustong ishare, chineck ko ulit kung anong section ko. At sa wakas napanatag ako na nasa honor section pa rin ako at kasama pa rin si Mitzi. Kung hindi niyo naitatanong kahit hindi pa nagsisimula ang 4th year class naming running for honor na agad ako kc nung last year nasa honor roll na ako, hindi ko na sasabihin baka masyado na kayong mamangha sa kakayahan ko.

“Hi, Trixie, long time no see ha, musta na”

Si Gail last year ko nalang nagging classmate hindi naman kami ganoon kaclose pero nag-uusap naman

“Ayos lang, wait ha hahanap lang ako ng upuan”- Trixie

“Ok”- Gail

Walang pinagbago itong si Gail kung magtanong minsan, ay tanga-tangahan lang, malamang long time no see, kasi nagsummer vacation, alangan namang pumunta ako sa bahay nila para araw-araw lang mag HI sa kanya

“Uy, Trixie san ka uupo?”

Si mitzi nangungulit na naman

“Alangan namang sa unahan Mitzi, eh Villafaranca ang apelyido ko alangan namang dito sa harap”

“Heto naman ang sungit, nagtatanong lang”

“Eh kaw kasi ang ang Buena mano sa umaga ko alangan namang matuwa ako”

“Nandyan na si ma’am”

“Sige na umupo ka na dyan, behave ha, saka mo nalang ipakita iyang pagiging wild mo kapag medyo matagal na”

“Masusunod po madam”

"Lols"

Unconditional LoveWhere stories live. Discover now